(Sa itaas: Ang opisyal na pahayag ng ABSC sa kanilang Facebook page ukol sa nawawalang P50,000 na pondo)

23 Agosto 2015, 4:35p.m.
– IPAGPAPALIBAN sa
huling linggo ng Agosto ang pagsasapubliko ng opisyal na hatol ukol sa nawalang
pondo ng konseho ng mga mag-aaral sa Faculty of Arts and Letters (ABSC).

Batay sa pahayag na
inilabas ng ABSC noong ika-16 ng Agosto
, ang hinihintay na hatol ukol sa
nawalang P50,000 na pondo ay nakatakdang isapubliko ngayong linggo, ngunit sa
ilang kadahilanan ay hindi pa rin ito tapos mapagpasiyahan ng mga opisyal ng
fakultad. 

Ayon naman sa pahayag
na inilabas ng konseho
sa kanilang Facebook page kanina, ang huling pagsusuri
para sa opisyal na hatol ay naipagpaliban dahil sa na pagpupulong ng mga
miyembro ng fakultad at sa katatapos lamang na faculty retreat noong
ika-20 ng Agosto.

Dagdag pa ng konseho,
ito ay ayon kay Narcisa Tabirara, katuwang na dekano ng Artlets at Student
Welfare and Development Council coordinator, na siyang nangunguna sa
imbestigasyon.

Ayon pa rin sa
pahayag, kinakailangan munang lumagda ang bagong rehente ng fakultad na si P. Rodell E. Aligan, O.P. sa opisyal
na hatol bago ito maisapubliko.

Maaari pa lamang pumirma si Aligan pagkatapos niyang maitalaga sa puwesto sa katapusan ng Agosto. 

Samantala, hinumok naman ng ABSC ang mga
mag-aaral na manatiling mapagbantay hanggang sa lumabas ang mga resulta ng
isinagawang imbestigasyon. Alhex Adrea M. Peralta

READ
Eng'g reclaims Pautakan crown

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.