Bangka

0
105

PANIBAGONG yugto ng iyong buhay
Alamin kung saan sasakay
‘Pagkat ang daang tatahakin
Isang mahaba’t maalong paglalakbay

‘Wag sasakay ng jeep
Kung ayaw mausukan
‘Wag sasakay sa bus
Kung ayaw bumaba sa gitna ng daan.
‘Wag sasakay sa FX
Kung ayaw makipag-unahan

‘Wag sasakay sa MRT/LRT
Kung ayaw makipagsiksikan
‘Wag sasakay sa pedicab
Kung ayaw maputikan
‘Wag sasakay sa sariling sasakyan
Kung ayaw magbayad sa car park

O kaya mabuting magdala ka na lang ng bangka
Babaha naman kahit ‘di umulan
Tubig mula sa mga panaka-nakang pag-ambon
O galing sa pagtangis ng mga estudyanteng pauwi

LEAVE A REPLY