Pambansang Araw ni Balagtas, isinusulong ng KWF

1
1977

NAIS italagang non-working holiday ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kaarawan ng manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar tuwing ikalawang araw ng Abril sa ilang mga lalawigan, habang working holiday naman sa buong bansa.

“Kailangan natin ng isang araw para maalala [si Balagtas],” ani Roy Rene Cagalingan, senior language researcher ng KWF, sa ginanap na Kapihang Wika noong ika-24 ng Marso.

Ani Cagalingan, isang malaking hakbang ang pagkakaroon ng paggunita sa araw na ito sa buong lalawigan ng Bulacan upang bigyang-halaga ang mga naiambag ni Balagtas sa panitikang Filipino. Isa na rito ang kaniyang awit na “Florante at Laura.”

Sang-ayon kay Cagalingan si Michael Coroza, tagapangulo ng Unyon ng mga Manunulat sa Filipinas.

Para kay Coroza, nakalilimutan na ng mga Filipino ang mga mahahalagang okasiyon tulad ng kaarawan ni Balagtas.

“[Mainam ito upang] maipaalala ang mga bagay na nakalilimutan na ng madla na makabubuti para sa kanila, sa usapin ng bansa, panitikan at pambansang pagkakakilanlan,” ani Coroza.

Marahil ay sa Bataan, kung saan binawian ng buhay si Balagtas, at sa Maynila gugunitain ang nasabing non-working holiday, ayon sa KWF.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.