Pagtuturong may puso, daan sa kamalayan – Komisyon sa Wikang Filipino 

0
2493
11 educators from all over the country were recognized in the annual Gabi ng Ulirang Guro 2017. Photo by Michael Angelo M. Reyes

Hinimok ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga ulirang gurong Filipino na itaas pa ang makabansang kamalayan sa lipunan.

Wika ni Purificacion Delima, kinatawan sa komisyon para sa wikang Filipino, dapat magbigay ng malaking tulong ang pamahalaan sa mga guro pagdating sa pananaliksik tungo sa pagpapalawak at pagpapayaman sa wikang Filipino.

“Ang mga gurong ito ay matataas ang kaalaman sa kanilang larangan, magagaling sa kanilang pamamaraan, estratehiya, at teknik sa pedagohiya, at may mga akmang disposisiyon sa kanilang napiling propesiyon,” dagdag ni Delima sa Gabi ng Ulirang Guro 2017.

Ang Ulirang Guro ng Filipino ay ang taunang gawad ng KWF sa mga gurong Filipino mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na nagkaroon ng makabuluhang ambag sa mga saliksik pangwika at pangkultura. Labing-isang guro ang nabigyan ng parangal.

Hiling ni Delima na madagdagan ang bilang ng mga gurong magpapataas sa antas ng kalidad ng maka-Filipinong edukasiyon tungo sa tunay na malayang Filipinas.

Nabanggit naman ni Lorna Dig-Dino, regional director ng Kagawaran ng Edukasiyon sa Mimaropa, hindi matututo ng anumang pedagogical approach at paraan sa pagsusuri ng kakayahan ng isang bata kapag walang puso ang guro.

“Kung wala ang pagmamahal, malasakit at pagiging lifelong learner, hindi makagagawa ng tunay na pag-unlad ng kakayahan ng mag-aaral na masaya at may malasakit,” dagdag ni Dig-Dino.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.