Sunday, March 26, 2017

Filipino

Múmo sa pagitan ng mga daliri

BAHAGYANG tumalbog ang siksik na tiyan ni Mario nang tamad na tamad niya itong idinantay sa harapan ng lababo. Nahuli na naman siyang kumain....

Panitikang Filipino: Yumayabong o naluluot?

BUNSO kung maituturing sa ating mga pambansang pagdiriwang ang Buwan ng Panitikan ng Filipinas (BPF) ngayong Abril na isang malaking hakbang sa pagpapayabong ng pambansang pagpapahalaga sa ating literatura at mga manunulat.

Sa kasalukuyan, ikalawang taon pa lamang nito sa bisa ng Proklamasiyon Bilang. 968, s. 2015, na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III alinsunod sa probisiyon ng Konstitusyon na dapat payabungin ang kasaysayan, kultura at sining ng bansa.

Inilarawan ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Virgilio Almario ang selebrasiyon bilang pagkakataon upang “bigyan ng espesyal na pagtingin at pagmamalasakit ang panitikan ng Filipinas pati na ang mga awtor [ng bayan].”

Panitikan sa panahon ng Internet

MAY BISA ang pagbabasa na humihigit sa nakaimprentang teksto ng mga aklat, lathalain at iba pang mga babasahin.

Bisa na nakapagpapaintindi sa mga bata ng mahahalagang alituntuning-moral sa buhay, sa pamamagitan ng mga hayop na nakikipaghalubilo at nakikipag-usap sa bawat isa. Bisa na nakapagpapalawak ng bokabularyo sa wikang Filipino man o sa Ingles. Bisa na nakapagpapalakbay sa mortal na buhay ng mambabasa tungo sa iba’t ibang dimensiyon ng mundo.

Ngunit ano na nga ba ang kahalagahan ng pagbabasa sa nagmamadaling panahon ng internet at social media lalo na ngayong buwan ng Abril na ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikang ng Filipinas?

Bagong dekada ng kalidad na pagsusulat

MAGANDA ang hinaharap ng pantitikang Tomasino kung titignan ang patuloy na pagtaas ng kalidad ng mga lahok sa taunang patimpalak-pampanitikan na Gawad Ustetika.

Sa 119 na lahok para sa ika-31 nitong taon, 29 ang umuwing may hawak-hawak na babasaging plake na nagsasaad ng kanilang pagwawagi.

Ito ang ikalawang taon na may 29 nagwagi sa kasaysayan ng patimpalak, ang pinakamarami sa nakalipas na dekada ng Gawad Ustetika.

Krusipiksiyon

“Presyo ng langis
sa malawakang merkado
bumagsak,” balita mula sa car radio
habang bumibiyahe pa-Clark Airport.
Pagdatal sa trangkahan ng paliparan
Ibinaba ni Tatay ang kaniyang
pulang maleta,
bumabakat ang mga ugat sa kamay
niya habang hinihila ito.
“Boarding gate for flight PR337
bound to Qatar is now open,”
ani ng public announcement.
Lumingon sa akin si Papa
Pagdating sa harapan ng check-in area.
“Mag-iingat ka anak.”
Pinipigilan ko ang maiyak.
Mahigpit ang aking hawak sa aking panyo.
Hinabol ko si Papa sa pagpasok niya
sa check-in area.

Identidad—pangunahing suliranin sa pagsusulong ng wikang Filipino

HINDI ko malilimutan ang hagikgikan ng mga propesor, estudyante at manunulat na dumalo sa isang seminar ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga teknikal na asignatura tulad ng agham at matematika.

Ang rason? Kawalan ng tuwirang salin para sa mga terminolohiya sa mga nasabing asignatura.
Ano sa Filipino ang mathematics? Sipnayan. Ang square root? Ikalawang ugat. Eh, ang chemistry? Kimika. Ilan lamang ito sa mga salin na kinahagikgik ng mahigit limampung katao sa loob ng isang awditoryum sa unibersidad.

Kung titignan sa kasaysayan, naging bahagi ng pag-usbong ng wikang pambansa ang mga salitang sipnayan, kimika at iba pang teknikal na termonolohiyang isinalin sa Tagalog.

Paragila

PASADO alas nuebe na nang makahiga si Ernesto at tanging ang bukas na telepono na lamang niya ang nagbibigay liwanag sa kaniyang kulob na silid.

Dahan-dahan niyang itinataas-baba ng kaniyang kanang hintuturo sa screen upang masulyapan ang laman ng kaniyang Facebook: mga bidyo ng makukulit na Corgi, mga meme nila Bill at Juan at mga galit na reklamo tungkol sa mga drayber ng taksi.

“Paulit-ulit na lang,” ani Ernesto sa sarili.

Nakaramdam na siya ng pagbigat ng kaniyang mga mata at dahan-dahang naglaho sa kaniyang paningin ang liwanag ng limang pulgadang screen ng kaniyang telepono.

Estrella

IGINALA ni Aida ang mata sa langit

na kanlong ang mga talang noon nakakubli

sa hamog ng makukulay na baga.

Umihip, umihip,

ang batang nakasilip.

Bumulong nang marahan

at sandaling lumangitngit,

Sumumpa sa tala

na sa taong sasapit,

mag-iipon, mag-aaral, magpapakabuti.

Umihip, umihip.

Nakaalpas sa torotot ang tunog na impit

kagaya ng pangakong inusal na rin dati.

Tinangay ng hangi’t samyo ng pulbura

ang hinahapong hininga,

at bulong sa mga tala.

 

Bernadette A. Pamintuan

Ang Pasko ni Tatay Anding

IGINAGALA ni Mariel ang kaniyang paningin sa labas ng simbahan habang pinagmamasdan ang makukulay na palamuti sa paligid nito gayundin ang mga pailaw na nagpapaligsahan sa kislap. Masarap sa balat ang dampi ng hangin at kakaiba ang taglay nitong bango. Dagsa ang mga pamilya galing sa kahit saang sulok ng barangay. Matagal pa bago sumikat ang araw subalit animo alas dos na ng hapon.

Sa gitna ng mga naghahagikhikang mga kabataan, naroon si Mang Anding na halatang aligaga sa pagdukot ng barya sa kaniyang bulsa. Pilit niyang ibinabalanse ang kaniyang sarili sa kaniyang luma at marupok na saklay. Isinabit muna niya ang bunton ng sampagita malapit sa mga tulusan ng kandila bago marahang binilang ang tigpipisong sukli ng isang aleng may bitbit na sanggol.

Tawiran

Matapang kong nilakad ang kalye ng Dapitan.

Hindi na alam ng baga ano ang pagkakaiba

ng usok na nakasasakal sa hingang pagal.

Iisa na rin ang sigaw ng busina ng mga sasakyan

sa tawag ng mga nangangailangan ng tulong

paganahin ang kanilang kompyuter.

At ang basa sa karatula ng mga dyip?

Hindi na “LRT Tayuman” kundi “LRT Tayuan.”

Umilaw ng pula ang stop light.

Nalimutan ko na kung paano iangat

ang kaliwang binti upang maglakad.

Natakot na rin yata ang kanang binti

sa nakaambang panunuot ng mga ugat

pagkasakay sa LRT.

Nagpaalon na lang ako sa daluyong ng taong patawid

LATEST FILIPINO