Sunday, April 30, 2017

Filipino

Tagapagtanggol ng kalusugan at bayan

MADALAS isipin ng karamihan na limitado sa isang larangan lamang ang pagkakamit ng tagumpay. Subalit ipinakita ni Basilio Valdes, Tomasinong doktor at heneral, na maaaring mahigitan pa ito sa pamamagitan ng dedikasyon at husay sa pagganap sa mga tungkulin.

Nakilala si Valdes sa kasaysayan bilang isa sa opisyal na humawak ng mga matataas na posisyon sa pamahalaang Komonwelt. Itinalaga siya ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang chief of staff ng Philippine Army at ng Philippine Constabulary (kasalukuyang Philippine National Police) noong 1939. Naglingkod naman siya bilang kalihim ng Department of National Defense mula 1941 hanggang 1945, sa ilalim ng government-in-exile ni Quezon sa Estados Unidos. Sa ilalim ng kanyang pangangasiwa sa departamento isinagawa ang mga paghahanda ng hukbo ng Pilipinas sa noo’y napipintong digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at ng bansang Hapon.

Ikaw, ang gabi at ang musika

Ikaw, ang gabi at ang musika’y iisa.
Sa kamatayan ng puso’y may naiwang bakas ng nangungulila: Ikaw
Ikaw at ang gabi’y may iisang kulay: Itim
Ikaw at ang musika’y may natatanging himig:Pagluluksa.
Ikaw, ang gabi at ang musika’y mga hiwagang nahihimlay sa
Kandungan ng mapag-ampong kamatayan.
Oo. Kamatayang nagkukubli sa kaibuturan ng puso ng gabi---
Gabing humihiyaw sa bawat kirot ng nagdurugong sugat na
Sanhi ng musikang nilikha ng matinding kabaliwan sa iyong pagkawala.

Sa saliw ng musikang nananangis sa paglilibing ng sawing pagsinta
Nagbangon ang gabi’t humukay ng isang libingan.
Sa mapapait na mga luhang nalaglag sa lupa’y nagkahugis ang
namamanatang kamatayan sa iyong katauhan.
Ikaw ang hiram na pag-ibig sa pagitan ng pangarap at reyalidad.

Panalangin

NANINIWALA ako sa bisa ng panalangin. Noong labing-pitong taon ako, hiniling ko na magkaroon ako ng nobyo. Ipinagdasal ko rin na makapasok ako sa med school at naipasa ko naman ang exam para dito. Dinasal ko rin ang nobena ng ilang ulit para lamang matagpuan ang aking itinuturing na soulmate—si Jun.

Dalawampu’t siyam na taong gulang na ako nang magpakasal kami ni Jun. Pinaghintay ko muna siya ng mahigit apat na taon mula nang alukin niya akong magpakasal matapos siyang pumasa sa bar exam.

Tinanggap ko ito sa kondisyong tatapusin ko muna ang aking pag-aaral. Magkahalong tuwa at kaba naman ang aking nadama ngunit nanaig ang kagustuhan kong makatapos muna ng pag-aaral.

Dokyumentaryo sa telebisyon: Bakit pang-gabi lang?

MADALAS mapanood ang mga ito sa kalaliman ng gabi.

Hindi ko tinutukoy rito ang mga programang “for adults only” at sa halip ay ang mga dokyumentaryo tulad ng I-Witness, The Correspondents, at Probe.

Tinatalakay sa mga programang ito ang mga samu’t saring isyu sa bansa na may malaking impluwensiya sa lipunan o hindi kaya’y mga usaping hindi nabibigyang-pansin ng karamihan, bagaman at lubhang mahalaga sa partikular na sitwasyon kaya nangangailangan ng higit na malawak pang pagsusuri. Ilang halimbawa nito ang mga pagtatangka ng pamilyang Marcos na muling mabawi ang kani-kanilang mga ari-ariang nakumpiska ng pamahalaan at ang isyu ng katiwalian sa quarrying sa Pampanga.

Ang buhay-sining ni Teo Antonio

MAGKAKAIBA subalit magkakahalintulad. Sa mga salitang ito maaaring mailarawan ang pagpasok ng makatang si Teo Antonio sa mga larangan ng pagpipinta at panulaan. Aniya, dahil magkakahalintulad ang mga nababasa niyang istilo sa sining at panitikan, kapwa niya nabigyang ng pansin ang parehong larangan.

“’Yung pag-aaral ko ng fine arts at pagbabasa ko ng movement ng art, pareho rin sa panitikan, (kaya) parehong kilusan. Ginagamit diyan ang surrealism at mga symbolism kaya nagtugma ang aking pag-aaral ng fine arts at panitikan,” ani Antonio.

Pagbabago ng landas

LATEST FILIPINO