Saturday, April 20, 2024

Filipino

27th Gawad Ustetika

TAPAT sa kaniyang adhikain na payabungin ang pantikan sa Unibersidad, ang Gawad Ustetika ay patuloy na pinagyayaman ang panitikang Tomasino sa ika-27 taon nito.

Muli nitong pararangalan ang mga mag-aaral na may angking galing at talento sa pagsusulat ng panitikan sa ika-3 ng DIsyembre sa Plaza Mayor.

Igagawad ngayong taon ang Parangal Hagbong kina Florentino Hornedo, isang premyadong manunulat at guro mula sa Batanes, at kay Federico Licsi Espino, isang makata sa wikang Tagalog. Ang Parangal Hagbong ay ibinibigay bilang pagkilala sa mga Tomasinong may natatanging ambag sa sining at panitikang Filipino.

‘A Pax to Remember,’ gaganapin sa UST sa Disyembre

KASABAY ng ika-400 taong pagdiriwang ng Unibersidad ay isasagawa ng Pax Romana, ang isa sa mga pinakamatandang religious organization ng UST, ang isang alumni homecoming na pinamagatang “A Pax to Remember.”

Nakatakdang magsama-sama ang mga kasalukuyan at nakaraang kasapi ng Pax Romana sa ika- 2 ng Disyembre sa ganap na ika-6 ng gabi, sa Plaza Mayor.

Ilan sa tampok na gawain ng pagtitipon ay ang pagdiriwang ng banal na Eukaristiya, pagbabalik-tanaw sa mga napagdaanan ng organisasyon mula nang ito ay maitatag, pag-uulat ng mga kasalukuyang pinuno sa mga aktibidad na naisagawa, at pagtatanghal ng mga kasalukuyang kasapi.

AMBAGAN 2011: Patuloy na pagpapaunlad ng wika

WALANG nakikitang hangganan ang pagpapaunlad ng wika sa bansa.

Ito ang ipinabatid ng Ambagan: Kumperensiya sa Paglikom ng Salita Mula sa iba’t ibang Wika sa Filipinas na ginanap mula Setyembre 14 hanggang 16 sa College of Arts and Letters sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Ang Ambagan ay isinasagawa tuwing dalawang taon. Pinagyayaman ng kumperensiya ang iba’t ibang mga wika sa Filipino sa pamamagitan ng pagsangguni sa balarila’t leksikon ng mga wika sa bansa.

Sa taong ito, itinatampok sa Ambagan ang mga wikang Ilokano, Kapampangan, Bikol, Tagalog-Batangas, Kankana-ey, Higaonon, Mansaka, Hiligaynon, Aklanon, Tagalog-Laguna, at Kinaray-a.

Mga dulang nagbibigay ng bagong pananaw sa Lupang pangako

PARA sa mga isinilang at lumaki sa Mindanao, ang parteng ito ng bansa ay maituturing na mayaman sa kultura at likas-yaman, taliwas sa gulo at ingay na madalas ikinakabit sa pangalan nito.

Ito ang pinatunayan ni Arthur Casanova, may-akda ng Kidney for Sale at Dalawa pang Dulang Ganap ang Haba (UST Publishing House, 2010), at isang direktor ng dula at pelikula na tubong San Jose, Antique.

Para sa kaniya, mayaman ang kulturang timog at pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga dulang nagtatanghal ng karaniwang buhay ng mga katutubo sa Mindanao na malimit makita ng nakararami.

Ang mga diyos ng silid

SA NGALAN ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Panginoon, patawarin niyo po ako. Hindi ko po sinasadyang magsinungaling.

Passing score. Iyan lang naman ang gusto ko. Sa pagsusulit na iyon, kailangan ko talagang makapasa dahil tagilid na talaga ako. Ayaw ko pong umulit. Ayaw ko pong manatili sa eskuwelahan na ito. Higit po sa lahat, ayaw ko pong magalit ang mga magulang ko.

Sapat na po ba ang mga dahilang ito upang maintindihan niyo po ang ginawa ko?

Tatlong gabi na ang nakalilipas. Ano kaya ang score ko sa nakaraang pagsusulit? Bakit hindi pa rin ito binabalik ng prof namin? Nahalata po kaya niya?

Sorry, Lord. I’ m really, really sorry.

Magpapaliwanag ako.

Ebolusyon ng mga patakarang pang-wika sa bansa

ISANG ebolusyon ng wikang Filipino ang namayani sa bansa mula noong panahon ni Jose Rizal hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Jovy Peregrino, direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, sa isang porum na may temang “Wikang Filipino: Mula kay Rizal hanggang kay PNoy” sa AMV Multi-purpose Hall noong Agosto 31.

Sinimulan ni Peregrino ang pagtalakay sa iba’t ibang patakarang pang-wika ni Rizal hanggang sa kasalukuyang pangulo na si Benigno Aquino III o “PNoy.”

Nagtatakda o nagpapalawig ng wika?

HINDI maipagkakaila na tunay ngang ang Pilipinas ang “call center capital of the world” dahil sa tinatayang 12 hanggang 13 bilyong pisong kita ng mga business process outsourcing (BPO) sa bansa at sa higit kumulang na 500,000 mga Filipino na nagtatrabaho sa mga call center.

Nagsimula ang pag-usbong ng industriyang call center sa Pilipnas noong 2006 at sa kasalukuyan, 80 porsiyento ng mga BPO sa bansa ay mga call center na nagbibigay-serbisyo sa mga consumer na nais magtanong ng impormasyon o humingi ng tulong ukol sa kanilang nabiling produkto.

Pagpapaunlad ng wika, nakatutulong sa ekonomiya

ANG PAGPAPAUNLAD ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay mayroong tiyak at malaking epekto sa kasalukuyang ekonomiya nito.

Ngunit ano nga ba ang kaugnayan ng wikang pambansa sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa?

Sa naganap na isang pulong, na pinamagatang “Pagpaplanong Pang-wika, Pagpaplanong Pang-ekonomiya” noong Agosto 18 sa AMV-College of Accountancy multi-purpose hall, ang tanong na ito ang naging sentro ng talakayan ng mga eksperto sa wika at ekonomiya.

Ang panauhing pandangal ng nasabing pangyayari ay si Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), kasama ang dalawa pang mga komisyoner ng KWF na sina Bernard Macinas mula Bicol at Vilma Tacbad mula Pampanga.

Varsitarian, pinarangalan ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas

PINARANGALAN ng Unyon ng mga Manunulat ng Pilipinas (Umpil) ang Varsitarian para sa mga katangi-tangi nitong ambag sa panitikan sa bansa sa pamamagitan ng Ustetika, ang taunang parangal pampanitikan ng Unibersidad.

Iginawad sa Varsitarian noong Agosto 27 ang “Gawad Pedro Bucaneg,” isang parangal sa mga natatanging samahang pampanitikan “na walang tugot na nagbibigay ng puwang sa paghubog ng mga susunod na henerasyon ng mga manunulat at mambabasa tungo sa lalong pagyabong at paglaganap ng Pambansang Panitikan ng Pilipinas.”

Ayon kay Abdon Balde Jr., tagapangulo ng Umpil, ang Varsitarian ay hindi lamang tumutuon sa mga usaping pang-kampus kundi pati rin sa pagapapaigting ng panitikan sa bansa.

Panitikang lalong tumingkad bilang pelikula

ANG MGA tauhan na dati’y sa mga pahina lamang ng aklat nabubuhay, ngayon ay nakalaya na at masasaksihan sa pinilakang tabing.

Ganito mailalarawan ang naging kapalaran ng nobela ni Eros Atalia, propesor sa Faculty of Arts and Letters, na pinamagatang “Ligo na U, Lapit na Me,” isang best-selling book noong 2009.

Mula sa pagiging isang libro, isinapelikula ang kuwento at ipinalabas sa katatapos lamang na 7th Cinemalaya Independent Film Festival, isang pagdiriwang at kumpetisyon ng mga independently-produced films sa bansa.

LATEST FILIPINO