Friday, March 29, 2024

Filipino

Manila boy

RAMDAM ni Maro ang pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata habang unti-unting lumalayo sa pampang ang barkong kanilang sinasakyan. Nagpasya siyang sumama kay Kalay upang lisanin ang Indanan, Sulu—ang lugar na kaniyang kinalakhan at ang sangktuwaryo ng kaniyang mga pangarap.

“O Maro, ano pang ginagawa mo riyan? Huwag ka ng pasilip-silip diyan sa bintana at baka may makakita pa sa iyo. Mahirap na, pumuslit lang tayo,” ani Kalay.

Bekimon: Ebolusyon ng salitang bakla

NOONG una “jejemon,” ngayon “bekimon.”

Tunay ngang daynamiko ang wikang Filipino dahil sa pagsibol ng isa na namang panibagong terminong ginagamit na ng marami—ang “bekimon.”

Unang sumikat sa Internet, itinuturing ang mga “bekimon” na bagong mukha ng salitang bakla sa Pilipinas. Mula ito sa salitang kolokyal na “beki” na nangangahulugang bakla, habang ang salitang “mon” ay nanggaling sa mga nausong “jejemon”, o mga taong mahilig gumamit ng mga special characters sa pagtetext.

Usapang ‘Major, major’

“YOU KNOW what, sir, in my 22 years of existence I can say that there’s nothing major, major problem that I’ve done in my life because I’m very confident with my family, with the love that they are giving to me. So thank you so much that I’m here. Thank you, thank you so much!”

Sinong hindi nakaaalam sa kontrobersiyal na sagot na ito ni Miss Universe 2010 Fourth runner-up Venus Raj?

Laro sa Baga

Ikaw at ako Magkalaro sa Nagliliyab na baga

Paindak-indak sa nakapapasong Init. Init na tumutupok sa takot at pangambang bumubusabos sa ating nasang lumaya.

Patalun-talon sa nakalalapnos na baga. Bawat taas-baba ng ating mga paa’y masidhing panata ng pagdurog sa tanikala ng pangungulilang nakagapos sa ating mga puso’t kaluluwa. Sa ibabaw ng mga nagniningas na baga’y maingat tayong nagpapatintero. Isang hamon sa ating katauhan ang tumawid sa itinakdang hangganan.

Sa bawat kapangahasan, sa bawat pagpipilit, sa bawat pagsuway sa batas ng laro’y nagtatapos sa mabunying taguan.

Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata

SI GENOVEVA Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na “Aling Bebang,” ay isa sa pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor...

Wikang Filipino bilang global language

TUNAY na maunlad ang wikang Filipino kung kaya’t masasabing ganap na itong isang wikang “global” lalo na’t ikaanim na ito sa mga pangunahing wika sa Estados Unidos maliban sa Ingles.

Ito ang tinuran ng manunulat at propesor na si Ruth Elynia Mabanglo ng University of Hawaii sa Panayam sa Wika 2010: “Kalikasan ng Wika, Wika ng Kalikasan” na ginanap sa Bulwagang Rizal, St. Raymund’s Building noong ika-5 ng Agosto.

Ayon kay Mabanglo, may sariling kalikasan ang wika ngunit ang kalikasan ay may sarili ring wika.

“May wika ang hangin, ang palaspas ng mga dahon, ang alimoy ng labi, ang hindi magkamayaw na boses sa palengke, ang busina at ugong ng makina ng sasakyan,” ani Mabanglo, na isang dalubhasa sa pag-aaral sa wika.

‘Jejemon’ salita ng taon

BAGAMAN namayani ang salitang “jejemon” sa nakaraang Sawikaan 2010: Pambansang Kumperensiya sa Salita ng Taon, hindi naman nagpahuli ang mga Tomasino sa pangunguna ng mga eksperto sa wika tulad nina Vim Nadera, Michael Coroza, Rebecca Añonuevo, at Roberto Añonuevo habang isa ring Tomasino ang nagwagi para sa salitang “tarpo.”

Trip to Jerusalem

MGA PAA nati’y lumilibot,
lumiligid nang walang humpay
habang sumasayaw sa saliw
ng musikang kaindak-indak.

Lahat ng mata’y nakakadena
sa mga walang lamang upuan
at sa biglang paghinto ng tugtog,
tayo ay hindi magkandaugaga.

Nag-uunahan, hilahan, at nanghahawian
walang alinlangang nangunguyog,
handang manakit at mang-iwan
para sa ginhawa ng pag-upo.

Ang karamiha’y masayang nakaupo,
komportable’t buo ang mga ngiti
habang ang isang kasamaha’y
nakatayo at nag-iisang talunan.

Deadline

ALAS tres. Nakapapaso ang init ng araw. Madalang ang pag-ihip ng hangin kung kaya’t damang-dama ang alinsangan ng panahon. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko ang batang naglalako ng diyaryo. Tumatagaktak ang pawis nito habang bitbit ang mga paninda nitong sa tingin ko’y kaunti pa lamang ang nababawas.

“Psst! Boy! Halika rito!”, sigaw ko.

Dali-daling lumapit ang pawisang bata na sa aking palagay ay wala pang sampung taong gulang.

“Bigyan mo nga ako ng isa.”

“Alin po rito?”

“Kahit ano, pare-parehas lang naman laman niyan,” tugon ko sabay abot ng sampung piso.

Tatak P-Noy

NANG maghulog ng mga dilaw na talulot sa mga tao ang isang helikopter matapos ang panunumpa ni Pangulong “Noynoy” Aquino noong Hunyo 30 sa Quirino Grandstand, isang Tomasino ang naging saksi sa makasaysayang senaryong ito.

Para kay Karen Ivy Santos, 18, ng College of Tourism and Hospitality Management, hindi pangkaraniwan ang mga talulot na ito sapagkat ang mga ito ay paalala ng kaniyang tungkulin bilang isang kabataang Filipino.

Ang inagurasyon ay habambuhay na magiging bahagi ng kasaysayan, hindi lang dahil sa mga tala ng mga historyador at mamamahayag, mga retrato, kundi pati na rin sa mga memorabilia na nauuso sa panahong ito.

LATEST FILIPINO