Wednesday, April 24, 2024

Filipino

Ang muling pagkabuhay ng Departamento ng Filipino

“KUMBAGA sa bangka, hindi na kami hiwa-hiwalay na sumasagwan sa iba’t ibang direksiyon, kundi isa na lamang ang tinatahak naming daan.”

Ganito inilarawan ni Aissa Jimenez, propesor sa Filipino sa Faculty of Arts and Letters ang muling pagkakaroon ng sariling tahanan ng wikang Filipino sa Unibersidad—ang Departamento ng Filipino na muling nabuhay matapos manatili sa Departamento ng Wika kasama ang Ingles at Espanyol sa loob ng 31 na taon.

Sa bisa ng proyektong vertical articulation na nagbibigay pansin sa isang departamento upang magkaroon ito ng sariling opisina, pondo, at tagapangulo, ang Departamento ng Filipino ay muling ibinalik upang higit na mabigyan ng atensiyon ang wikang Filipino sa Unibersidad.

Sa may ER

NAGKAKATITIGAN
ang mga hindi mapanatag
na kaba
habang tahimik
at palihim
na tumatakas
ang mga kamay
ng nalalabing pag-asa.
Nakalulugmok
ang malamig na pagbabanta
ng unti-unting
paghina
ng mga alingasngas
ng pagliligtas.
Sa pagtakas
ng pintuan ng paghihintay,
sumalubong
ang nakatalukbong
na pamamaalam
at ang lumalangitngit
na paglisan.

Jejemon at wikang Filipino

EyoW PfoUwhsZ! N4i!n+1nD!h4n nY0oHw Pfu0H b4nGzZ 5!n4$4b! kOwhH??? (Hello po! Naiintindihan n’yo po ba’ng sinasabi ko?)

MARAHIL kung wala ang sumunod na pangungusap, mahihirapan ang sino man na basahin at intindihin ang simpleng tanong na nakasulat sa paraang kinaiinisan ng marami sa kasalukuyan— ang jejemon language.

Miting de avance

NAWA’Y gabayan kayo ng Panginoon sa tamang pagpili ng mga kandidato sa darating na eleksyon. Iboto niyo ang karapat-dapat ayon sa inyong konsensiya.”

Agad-agad na pinaligiran ng mga bodyguard si Mayor Lucky Gonzalez at ang kaniyang pamilya sa hudyat ng pagtatapos ng misa.

“Nakakangalay naman na kumaway palagi sa mga taong hindi mo naman kilala. Halos mabali na ang braso ko,” ani Mayor Lucky sa sarili habang palabas ng simbahan.

Kristo

IPINAUBAYA na ang lahat sa kaniya. At hawak niya sa kanang kamay ang mga papalarin na maisalba ...

Tamang pagkanta ng Pambansang Awit

PAANO nga ba ang wastong pag-awit ng Lupang Hinirang?

Naging mainit ang pagpuna ng National Historical Institute (NHI) sa pagkanta ng pambansang awit sa mga laban ni Manny Pacquiao matapos itong “ibirit” ng mga mang-aawit tulad nina Sarah Geronimo, Jennifer Bautista at Martin Nievera, isang bagay na sinasabi ng mga kompositor na estilo ng mga mang-aawit. Ngunit ayon kay Raul Sunico, dekano ng Conservatory of Music, naiiba ang pambansang awit sa karaniwang kanta dahil ang ayos at tono nito ay nasa batas.

Mga aral sa labas ng silid-aralan

“WHAT is the greatest lesson you’ve learned in college?” Napaisip ako nang itanong ito ng guidance counselor ng aming kolehiyo sa aking exit interview. Sa loob kasi ng apat na taon ko sa UST, ang pinakamahalagang aral na natutunan ko ay hindi ko napulot sa loob ng silid-aralan, kung hindi sa isang masakit na karanasan na habangbuhay nang nakatanim sa aking isipan.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na mahirap ang kursong accountancy. Kung noon, madali lamang para sa akin ang makakuha ng gradong 90 sa calculus kahit na natutulog ako sa klase, ngayon, kahit na magsunog pa ako ng kilay para mag-aral ng Advance Accounting 1 (AdvAc 1), bumagsak pa rin ako rito noong unang semestre ng ika-apat na taon ko sa kolehiyo.

Id at Super Ego

“CLASSMATES, makinig kayo! May sasabihin ako tungkol sa darating na foundation day natin.” Nasa harap na ko’t lahat, pero wala pa ring umiintindi sa akin. Abala kasi sila sa pangongopya ng assignment.

“Makinig naman kayo! Kasi ganito iyon, sa parada raw, may temang Around the World. Ano’ng gusto n’yong bansa na ikakatawan ng klase natin? Sa kabilang pangkat kasi, Egypt na sa kanila, tapos iyong sa first section, Philippines naman.”

“Puwede bang mamaya na iyan? Kailangan na kasi iyong desisyon natin. Para mapa-reserba na natin ang bansang mapipili natin. Pakiusap naman makinig kayo!”

Ang kuwento ni Aling Bebang

ANG PAGSUSULAT ay kukuha ka ng kapiraso sa karanasan mo, kapiraso sa nakita mo, kapirasong gawa-gawa mo…at kung saan-saan.”

Ito ang tinuran ni Genoveva Edroza-Matute (1915-2009), ang kinikilalang “Ina ng Makabagong Maikling Kuwentong Filipino.” Ito rin marahil ang pormula kung bakit nananatili ang pagtimo ng kaniyang mga akda sa puso’t isipan ng kaniyang mga mambabasa isang taon mula ng kaniyang pagpanaw.

Mga Tomasino pinarangalan ng ‘Ani ng Dangal’

PINARANGALAN ng National Commission on Culture and the Arts ang UST Singers, ang Tomasinong direktor na si Brillante Mendoza, at ang manunulat ng UST Publishing House na si Abdon Balde, Jr ng “Ani ng Dangal” bilang pagkilala sa kanilang pagkapanalo sa mga pangdaigdigang patimpalak.

Kinilala ang UST Singers matapos nilang iuwi ang mga unang gantimpala para sa mga kategoryang Required Pieces at Folk Competition sa 2009 California International Choral Festival Competition na ginanap mula Hunyo 26-28, 2009 sa San Luis Obispo, California.

LATEST FILIPINO