Blangko ang papel
na pinagsasayawan ng daan-
daang mga letrang namuo dahil sa milyun-
milyong butil ng pulang pawis
sa noo. Bawat nota ng pagtitinta
magsasabog ng nagbabagang pagkabagabag
ng damdaming hindi naibulalas ng
bibig.

Simulan na ang panunula.

Montage Vol. 10 • December 2006

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.