Pamana ng madugong kasaysayan
Ilog na ginawang basurahan
Ilog na ginawang palikuran
Ilog na ginawang libingan
Ilog na kinitil ng kemikal
Ilog na nilapastangan ng balana
Ilog na pinandidirihan
Ilog ng pagkutya
Ilog ng hapis
Ilog ng kabalintunaan
Ilog ng kapabayaan
Ilog ng kahihiyan
Ilog ng kawalang pag-asa
Ilog ng kadustaan
Ilog ng maling kahatulan
Larawan ng maitim na nasa
Larawan ng kawalang paggalang
Mutya ng burak
Mutya ng kahapong nagmaliw
Lakambini ng walang budhing kabihasnan
Musa ng kaloobang bulok
Binibining ginahasa ng kaunlaran
Kabiyak ng marungis na lungsod
Salamin ng pagwawalang-bahala
Yamang walang umangkin
Paralumang itinakwil ng mangingibig
Mapag-ampon sa mga busabos
Rosang bulaklak na dinilig ng maitim na langis at ihi
Sindak sa mga turista, may sakit at nagdadalamhati
Reyna ng lahat ng patay na ilog

Montage Vol. 11 • September 2008

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.