Isang taon na rin mula nang makita ko siyang may
kasamang iba. Habang sakal-sakal ko ang mga dahon, di
ko napigilang maluha.

“Di mo na kailangang tanggalin ang mga tuyot na
dahon,” sabi ni Lola. Di ko namalayang nasa likod ko
na pala siya’t sinisilip ang mga alaga namin. “Ito’ng
maganda sa halaman, walang nasasayang. Ang bunga,
nakakain. Ang bulaklak, pandekorasyon. Ang tinik,
proteksiyon. Kusa namang malalagas ang mga dahon para
maging pataba sa lupa at pampalusog ng halaman
pagdating ng panahon.”

Naiwan akong tatango-tango habang hinihiwa ko nang
malalim ang lupang? pagbabaunan ng mga luoy na dahon.

Montage Vol. 11 • September 2008

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.