News

Bilang ng freshmen, sumadsad

BUMABA nang halos 10,000 ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa kolehiyo ng Unibersidad matapos ipatupad ang repormang K to 12 ngayong akademikong taon.

Ayon sa datos mula sa Office of the Registrar, sumadsad sa 3,772 ang bilang ng freshmen sa kolehiyo, kung saan 71.47 porsiyento ang ibinaba kumpara sa 13,223 noong nakaraang taon.

Nagtala ang Faculty of Arts and Letters ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng freshmen na umabot lamang sa 159 na mag-aaral, mas mababa ng 88.90 porsiyento mula sa 1,433 noong nakaraang taon.

Bumaba naman ng 84.26 porsiyento ang bilang ng freshmen sa College of Commerce and Business Administration sa 162 mag-aaral, mula sa 1,029 noong nakalipas na taon.  read more »

UST, namayagpag sa PT, guidance counselor at OT board exams

NANGUNA ang Unibersidad sa kakatapos lamang na physical therapy (PT) at guidance counselor licensure examinations ngayong Agosto, samantalang dalawang Tomasino ang pasok sa limang nangunang kumuha ng pagsusulit para sa occupational therapy (OT).

Nagtala ang Unibersidad ng 100-porsiyentong passing rate sa katatapos lamang na guidance counselor licensure exam. Pumasa ang tatlong Tomasinong kumuha ng pagsusulit, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Malaki ang itinaas ng bahagdan para sa taong ito kumpara sa 66.67 porsiyento noong nakaraang taon, kung kailan apat sa anim na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang pumasa. read more »

Paggamit ng electronic tablets sa UST-SHS, ginawang opsiyonal

MATAPOS ang batikos mula sa mga mag-aaral ng Pamantasan at kanilang mga magulang, ginawang opsiyonal ng UST Senior High School (SHS) ang paggamit ng electronic tablets bilang bahagi ng technology-based teaching.

“If you believe that traditional books fit your purpose, we can accede to your preference, although we are strongly recommending the use of tablets because of their obvious advantage for your son/daughter,” ani Pilar Romero, punong guro ng UST-SHS, sa isang sulat na inilabas sa mga estudyante noong ika-2 ng Agosto.

Aniya, makakapamili na ang mga mag-aaral kung tablet o libro ang gagamitin sa klase. read more »

Doktorado sa medtech, inilunsad

NAKATAKDANG ilunsad ng Graduate School ang kauna-unahang programang doktorado sa medical technology (medtech) sa bansa ngayong Taong Akademiko 2016-2017.

Kinumpirma ni Marilu Madrunio, dekano ng Graduate School, na bubuksan ang programa sa ikalawang semestre para sa mga medical technologists na nagnanais pag-ibayuhin ang kaalaman sa programa.

“All we need is constant upgrading of the programs to make them more recent and relevant, as well as [to] strengthen even more our research agenda and our community and extension programs,” ani Madrunio sa isang panayam sa Varsitarian.

Samantala, ikalawa naman ang UST sa buong Timog-Silangang Asya na nag-aalok ng programang gradwado sa medtech, sumunod sa Unibersidad ng Mahidol sa Thailand.  read more »

Mga Tomasino, hinikayat na maging biyaya sa iba

MISYON ng mga Tomasino ang magbigay ng pag-asa at biyaya sa kapuwa.

Ito ang mensahe ng vice rector for religious affairs, P. Filemon de la Cruz, O.P., sa mga Tomasino sa taunang Misa de Apertura, ika-2 ng Agosto sa simbahan ng Santisimo Rosario.

Sa pagbubukas ng bagong Taong Akademiko 2016-2017, hinamon ni P. de la Cruz ang mga mag-aaral na tularan ang buhay ni Ezekiel, ang propeta sa bibliya na gumawa ng propesiya ukol sa mga natuyong buto na muling nabuhay.

“The dried bone resembles the people who lost hope,” ani P. de la Cruz. “[W]e are called to speak life and give blessing to others.”

“[T]o the people who lost hope, we can give them hope,” aniya. read more »

Dating propesor ng teolohiya, pumanaw sa edad na 66

SA EDAD na 66, pumanaw ang retiradong propesor sa teolohiya na si Victoria Esma noong ika-7 ng Agosto sa sakit na kanser sa obaryo.

Nakilala si Esma sa kaniyang isinulat na libro sa teolohiya na “Salva Vida.” Noong 2008, naging bahagi ito ng “400 Books at 400!”, ang proyekto ng UST Publishing House para sa pagdiriwang ng quadricentennial ng Unibersidad.

Taong 1982 nang magsimula siyang magturo sa Institute of Religion at sa College of Commerce and Business Administration. Nagsilbi rin siya bilang tagapangulo ng komite sa relihiyon.

Matapos ang 33 taon ng pagtuturo sa Unibersidad, nagretiro si Esma noong Mayo 2015.  read more »

Mga partido sa UST, hinimok na magkaroon ng ideyolohiya

HINIKAYAT ang iba’t ibang mga partido politikal sa Unibersidad na magtatag ng konkretong ideolohiya para makilala sila sa kanilang mga ipinaglalaban at hindi lamang sa kanilang mga personalidad.

Ayon kay Dennis Coronacion, tagapangulo ng Departamento ng Agham Pampulitika, makatutulong ang pagkakaroon ng idelohiya sapagkat ito ang gagabay sa mga partido upang bumuo ng tindig sa mga isyu.

“It appears that we have a problem: Walang political ideologies ang mga political parties [sa UST]. You need to know your political ideology so if there’s an issue, you know where to stand at hindi ‘yung nagmumukha kayong walang alam,” ani Coronacion sa unang Thomasian Political Party Empowerment Congress, ika-4 ng Agosto sa Tan Yan Kee audiovisual room. read more »

Mag-aaral ng journalism, Graduate School pamumunuan ang 'V' sa ika-88 nitong taon

PANGUNGUNAHAN ng isang journalism senior, journalism junior at isang Graduate School freshman ang Varsitarian, ang opisyal na pahayagang mag-aaral ng UST, sa ika-88 nitong taon.

Itinalagang punong patnugot si Kathryn Jedi Baylon, dating manunulat ng balita, habang ang dating manunulat ng seksiyong Filipino na si Bernadette Pamintuan ang bagong tagapamahalang patnugot. Kabilang rin sa Editorial Board si Daryl Angelo Baybado bilang katuwang na patnugot.

Samantala, ang journalism junior na si Alhex Adrea Peralta ang itinalaga bilang patnugot ng balita. Pangungunahan naman ni Delfin Ray Dioquino, isang journalism senior, ang Palakasan. read more »

eLeap, hindi na gagamitin sa susunod na halalan ng CSC

HINDI na gagamitin ng Central Commission on Elections ng UST (Central Comelec) ang e-Learning Access Program (eLeap), ang online learning system ng Unibersidad, bilang sistema ng pagboto para sa susunod na halalan ng Pamahalaang Pangmag-aaral.

Ayon kay Arvin Carlo Bersonda, tagapangulo ng Central Comelec, iminungkahi ng kanilang dating tagapayo na si Antonio Chua na gawing manuwal ang pagboto o di kaya ay gumamit ng makinaryang makatutulong sa mabilisang pagbibilang ng boto para makaiwas sa maaring maranasang suliraning teknikal. read more »

Alumna, hinirang na bagong pinuno ng Food and Drug Administration

ITINALAGA ng Pangulong Rodrigo Duterte si Charade Galang Puno, isang alumna mula sa Faculty of Pharmacy, bilang bagong pinuno ng Food and Drug Administration (FDA).

Nanumpa sa tungkulin si Puno noong ika-15 ng Agosto sa Malacañang kasabay ang 41 na iba pang itinalagang opisyales ng Pangulo.

Nagtapos si Puno sa UST taong 2000 at nasungkit niya ang ika-10 na puwesto sa board exams sa pharmacy.

Bago ang kaniyang pagkakatalaga, si Puno ay tumayo bilang pangulo ng Rochar Cosmeceuticals Inc., kumpanya na gumagawa ng produktong pampersonal na kalusugan at kosmetiko.

Noong 2010, inilunsad ni Puno ang O.N.E. (Organic, Natural and Eco-Friendly) Naturales, ang kaniyang sariling linya ng produktong pang-kosmetiko. read more »

User login

Recent comments

Disclaimer

Readers' comments posted in this site do not necessarily reflect the editorial position of the Varsitarian. The Varsitarian does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.