6 Agosto 2014, 8:47 a.m. – ITINANGHAL bilang top-performing school ang UST sa Physical Therapy (PT) licensure examination matapos magtala ng 91.74-percent passing rate, habang limang Tomasino naman ang nakapasok sa top 10 ng Occupational Therapy (OT) board exam.

Ayon sa datos na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), 100 Tomasino ang nakapasa mula sa 109 na kumuha ng PT board exam. Bahagyang mas mababa ang passing rate kumpara sa 95.74 percent noong nakaraang taon o 45 na pumasa mula sa 47 na kumuha ng pagsusulit.

Pang-apat ang Tomasinong si Perry Neil Lee (86.05 percent) sa listahan ng 10 nakakuha ng pinakamataas na marka para sa PT licensure exam, habang nasa ikawalong pwesto naman si Monique Galinato Ilagan na nagkamit ng 84.95 percent.

Samantala, tumaas naman ang passing rate ng Unibersidad sa OT board exam matapos magtala ng 65.52-percent passing rate.

Tatlumpu’t walong Tomasino ang nakapasa mula sa 58 na kumuha ng pagsusulit. Noong nakaraang taon, 58.33 percent o 28 ang pumasa mula sa 48 kumuha ng pagsusulit.

Limang Tomasino naman ang nakasama sa 10 nakakuha ng pinakamataas na marka para sa OT licensure exam. Pumangalawa si Paolo Pimentel (82.20 percent), pumangatlo si Kristen Zaira Morales (81.80 percent), pang-apat si Kevin Matthew Solis (81.60 percent), habang na sa pang-walong pwesto naman si Danielle Marie Bianca Racela (80.40 percent). Nasa pang-sampung pwesto si Nicole Marie Locsin (80 percent).

Ngunit nabigong makapasok ang UST sa listahan ng top-performing schools para sa OT licensure exam, na pinangunahan ng University of the Philippines-Manila matapos makapagtala ng 88.89-percent passing rate.

READ
UST posts higher passing rate in physician boards

Ayon sa pamantayan ng PRC, kailangan ng 80-percent passing rate pataas at 50 o mahigit na estudyanteng kumuha ng pagsusulit upang ma-ideklarang top performing school para sa PT, at 80-percent passing rate pataas at 15 o mahigit na estudyanteng kumuha ng pagsusulit naman para sa OT.

Tumaas ang national passing rate ng PT board exam sa 58.47 percent o 511 pumasa mula sa 874 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 52.28 percent noong nakraang taon. Gayundin sa OT licensure exam kung saan umakyat ang marka sa 57.06 percent o 93 pumasa mula sa 874 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 42.67 percent noong nakaraang taon.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.