Abdul limitado dahil sa trangkaso, nangakong babawi

0
781

Kuha ni John Paul R. Autor

HUMINGI ng paumanhin si Karim Abdul matapos ang isa nanamang nakakadismayang pagkatalo ng UST Growling Tigers sa unang round ng UAAP Season 77 men’s basketball tournament.

Matapos silang tambakan ng defending champion De La Salle Green Archers, 83-70, sa kanilang finals rematch sa MOA Arena noong Linggo, inamin ni Abdul na kulang ang kaniyang naging produksiyon matapos malimitahan ng kaniyang trangkaso.

I did not play my usual game. I did not make my presence felt,” kwento ni Abdul sa Varsitarian sa labas ng kanilang locker room pagkatapos ng laro.

Sa kabila ng pagbulusok nila sa ikalimang puwesto tangan ang 3-3 na kartada, sinabi ng co-captain ng Growling Tigers na hindi sila nawawalan ng pag-asa bilang koponan at nanatiling positibo ang kanilang kaisipan sa loob ng dugout matapos ang laro.

Dinadag niya na noong nakaraang taon ay nasa parehong posisyon din ang UST bago sila umarangkada sa second round at umabot pa sa Game 3 ng finals kung saan dalawang puntos lamang ang naghiwalay sa Tigers at sa inaasam nilang kampeonato.

We’re okay. We are not discouraged at all. Last year we were in the same position and we went to the finals so we are just going to work harder,” ani Abdul.

Inamin din ni Abdul na alam ng buong kampo ng Growling Tigers na hindi magiging madali na maulit sa Season 77 ang ginawa nila noong nakaraang taon kaya naman hinamon sila ni head coach Bong Dela Cruz na mas paghusayan pa ang paglalaro simula sa kanilang bakbakan kontra University of the East sa pagtatapos ng unang round.

He [Coach Dela Cruz] asked us ‘are we out already?’ and we all said ‘no, we are still in’ so we’re going to fight,” ani Abdul.
Nilinaw na din ni Abdul na hindi nagkaroon ng negatibong epekto sa koponan ang kaniyang mga naging komento na lumabas sa Spin.ph noong nakaraang Agosto 6.

It did not affect the team negatively in any way. I apologized to them but I wish we could have won so I could publicly apologize,” aniya. “But they [teammates] know me, I’m like a tiger and sometimes I get mad but we have been together for five years and we are a family. We are brothers. They understand me and I understand them.

Pinasadahan din ni Abdul ang isyu tungkol sa mga injuries ng Growling Tigers at sinabing hindi ganoon kalala ang mga iniinda nila.

Maliban sa kaniyang trangkaso, una nang napabalita na lumala ang sprained ankle ni Kevin Ferrer na una niyang natamo kontra UP noong Agosto 2 ngunit nagawa parin niyang makalaro laban sa Ateneo at La Salle.

We are healthy, we will be ready for Wednesday,” aniya.

LEAVE A REPLY