UST coach tikom ang bibig sa isyu hinggil kay Perkins

1
683

Kuha ni Nazzi M. Castro

TIKOM ang bibig ni UST head coach Bong Dela Cruz kaugnay ng kinasasangkutan nitong isyu kay La Salle power forward Jason Perkins.

Sa eksklusibong panayam ng Varsitarian kay Dela Cruz, mas pinili niyang huwag na lamang magsalita upang hindi na mapalaki ang isyu at maiwasan ang mas matinding hindi pagkakaintindihan ng magkabilang kampo.

Noong Agosto 10, lumabas ang balitang nagkaroon ng hindi magandang engkwentro sina Dela Cruz at Perkins sa bago matapos ang bakbakan ng UST at La Salle kung saan nagwagi ang Green Archers, 83-70.

Ayon sa mga naging komento ni Perkins sa press conference matapos ang laro, pinagsalitaan siya diumano ng hindi maganda ni Dela Cruz na nagdulot din ng hindi pagkakaunawaan ng rookie coach at ni La Salle assistant coach Allan Caidic.

Hindi na nagpaunlak ng karagdagang panayam si Dela Cruz hinggil sa isyu at sa halip ay mas pinili na lamang niya na pagtuunan ng pansin ang nalalapit na laban ng Growling Tigers kontra University of the East sa Miyerkules, Agosto 13.

1 COMMENT

  1. And now he’s keeping his mouth shut. That’s is just low for a coach to do. He’s a head coach, a mentor, a father to his players, and moreover, and most importantly, he is representing the Thomasian community.

    Most didn’t know what really transpired prior, but they will remember what the older guy said to an eager lad. Whatever that was, a mistake was committed. He should not be too selfish on an apology… he doesn’t anything to brag about.

    I say that the current coach is just pathetic. Just how can he control a team, when he has no control over his vocal cords. The young Tigers will go nowhere with this ill-charactered coach.

LEAVE A REPLY