Mahigit 600 akda ang naisumite ng mga Tomasinong manunulat sa nakalipas na limang edisyon ng Gawad Ustetika, ang pinakamatagal nang patimpalak pampanitikan sa mga pamantasan sa Pilipinas.
Ika-36 na Gawad Ustetika (2021)
Idinaos sa pamamagitan ng Zoom ang unang Gabi ng Parangal sa panahon ng pandemya, kung saan nakapagtala ang patimpalak ng 69 lahok.
Si Hailord Lavarias mula sa Faculty of Arts and Letters ang tumanggap ng Rector’s Literary Award (RLA), ang pinakamataas na pagkilala ng Gawad Ustetika, para sa kaniyang koleksiyong “Umiiral: Mga Tula.”
Rektor ng Unibersidad ang pumipili ng mag-uuwi ng RLA mula sa mga nagwagi ng unang gantimpala sa pitong kategorya: tula, poetry, katha, fiction, essay, sanaysay at one-act play o dulang may isang yugto.
Sa taong 2021, walang nagkamit ng una at ikalawang gantimpala sa kategoryang one-act play o dulang may isang yugto.
Bitbit ang temang “Ipamalas ang Laya at Haraya ng Panitikang Tomasino,” ang Ustetika ay pinangunahan ng mga lahok mula sa Faculty of Arts and Letters, na sinundan ng Graduate School at Faculty of Engineering.
Narito ang mga nagwagi sa ika-36 Gawad Ustetika:
Faculty of Arts and Letters
- Unang Gantimpala – 4 (Essay, Fiction, Poetry, Katha)
- Ikalawang Gatimpala – 3 (Fiction, Sanaysay, Tula)
- Ikatlong Gantimpala – 2 (Poetry, Tula)
- Karangalang Banggit- 2 (Essay, Sanaysay)
Graduate School
- Unang Gantimpala – 1 (Sanaysay)
- Ikalawang Gantimpala – 2 (Essay, Katha)
- Ikatlong Gantimpala – 4 (Essay, Fiction, Dulang May Yugto, Katha)
- Karangalang Banggit- 1 (One-Act Play)
Faculty of Engineering
- Ikatlong Gantimpala – 1 (Sanaysay)
Ika-37 na Gawad Ustetika (2022)
Nagpatuloy ang online na paggagawad ng parangal noong 2022.
Dala ang temang “Panitikang Tomasino, Sandigan ng Malayang Tinig at Haraya,” muling nanguna ang mga kalahok mula sa Faculty of Arts and Letters, na sinundan ng Faculty of Civil Law, Graduate School at Faculty of Engineering.
Si Justin Andrew Cruzana mula sa Faculty of Arts and Letters ang tumanggap ng RLA para sa kaniyang sanaysay na “City Heartbeats: A Harrison Plaza Obituary.”
Nakamit naman ni Lavarias, na mag-aaral ng Faculty of Civil Law sa taong iyon, ang ikalawang gantimpala sa tula at poetry para sa “Gambala: Mga Tula” at “Laws and Loss: Poems.”
Nakatanggap ng 106 na lahok na akda ang Varsitarian sa taong ito.
Narito ang naitalang resulta ng ika-37 Gawad Ustetika:
Faculty of Arts and Letters
- Unang Gantimpala – 6 (Tula, Poetry, Katha, Fiction, Essay, One-Act Play)
- Ikalawang Gantimpala – 5 (Katha, Fiction, Sanaysay, Essay, One-Act Play)
- Ikatlong Gantimpala – 7 (Tula, Poetry, Katha, dalawang Fiction, Essay, One-Act Play)
- Karangalang Banggit – 5 (Poetry, tatlong Sanaysay, One-Act Play)
Faculty of Civil Law
- Ikalawang Gantimpala – 2 (Tula, Poetry)
Faculty of Engineering
- Karangalang Banggit – 1 (Sanaysay)
Graduate School
- Karangalang Banggit – 1 (Essay)
Ika-38 na Gawad Ustetika (2023)
Ito ang ikatlong birtwal na edisyon ng Gawad Ustetika, kung saan inanunsiyo ang mga nagwagi sa programang ipinalabas sa Facebook page ng Varsitarian. Nakapagtala ang patimpalak ng 73 lahok.
“Ipagbunyi ang Muling Pagsilang ng Panitikang Tomasino” ang naging tema para sa taong ito.
Nakapagtala ng pinakamaraming gantimpala ang Faculty of Arts and Letters, habang nag-uwi rin ng mga parangal ang mga kalahok mula sa Graduate School, Faculty of Civil Law at Faculty of Engineering.
Namayagpag si Cruzana, na nagkamit ng unang gantimpala sa poetry at ikalawang gantimpala sa fiction at essay. Nakatanggap din si Lavarias ng ikalawang gantimpala sa katha at ikatlong gantimpala sa tula at poetry.
Walang naitalang RLA sa edisyong ito.
Narito ang resulta ng ika-38 Gawad Ustetika:
Faculty of Arts and Letters
- Unang Gantimpala – 5 (Poetry, Fiction, Essay, Tula, Sanaysay)
- Ikalawang Gantimpala – 4 (Poetry, Fiction, Essay, Tula)
- Ikatlong Gantimpala – 4 (Fiction, Essay, Tula, Katha)
- Karangalang Banggit – 4 (Katha, Sanaysay, dalawang Dulang May Isang Yugto)
Faculty of Civil Law
- Ikalawang Gantimpala – 1 (Katha)
- Ikatlong Gantimpala – 2 (Poetry, Tula)
Graduate School
- Unang Gantimpala – 1 (Katha)
Faculty of Engineering
- Karangalang Banggit – 1 (Tula)
Ika-39 na Gawad Ustetika (2024)
Ibinalik ang taunang parangal sa tradisyunal nitong pormat matapos ang tatlong taong birtwal na pagdiriwang.
Bitbit ang temang “Ipagpatuloy ang Pagsulong ng Panitikang Tomasino,” mahigit 160 akda ang nakalap ng Varsitarian, doble ng bilang na naitala noong nakaraang edisyon.
Si Ma. Claire Lagrisola mula sa Faculty of Arts and Letters ang nag-uwi ng RLA para sa kaniyang sanaysay na “Isang Liham ng Isang Dating Atleta.”
Narito ang resulta ng ika-39 Gawad Ustetika:
Faculty of Arts and Letters:
- Unang Gantimpala – 6 (Poetry, Essay, Katha, Sanaysay, Fiction, Dulang May Isang Yugto)
- Ikalawang Gantimpala – 5 (Poetry, Essay, Tula, Sanaysay, One-Act Play)
- Ikatlong Gantimpala – 6 (Poetry, Fiction, Tula, Katha, Sanaysay, One-Act Play)
- Karangalang Banggit – 4 (Essay, dalawang Sanaysay, Dulang May Isang Yugto)
Graduate School
- Ikalawang Gantimpala – 2 (Fiction, Katha)
- Ikatlong Gantimpala – 1 (Essay)
- Karangalang Banggit – 1 (Sanaysay)
Faculty of Civil Law
- Unang Gantimpala – 1 (Tula)
Ika-40 na Gawad Ustetika (2025)
Sa ika-40 taon ng Gawad Ustetika noong 2025, napili ang temang “Pag-alabin ang Hiraya at Likha ng Panitikang Tomasino.”
Umabot sa 222 ang naisumiteng akda — ang pinakamataas sa loob ng limang taon — at nakapagtala ng 33 kalahok na nagwagi.
Unang pagkakataon sa nakalipas na limang taon na nagkamit ng gantimpala ang isang manunulat mula sa College of Science, nang masungkit ni Faye Rafael ang unang gantimpala para sa tulang “Laro,” na nagwagi rin ng RLA.
Ito rin ang unang pagkakataon na nabigyan ng pagkilala ang isang mag-aaral mula sa Conservatory of Music, matapos igawad kay Juan Cortes ang karangalang banggit para sa tulang “Magtanim ay Isang Biro.”
Narito ang resulta ng ika-38 Gawad Ustetika:
Faculty of Arts and Letters
- Unang Gantimpala – 5 (Poetry, Fiction, Essay, One-Act Play, Dulang May Isang Yugto)
- Ikalawang Gantimpala – 6 (Poetry, Fiction, Tula, Katha, Sanaysay, Dulang May Isang Yugto)
- Ikatlong Gantimpala 6 (Fiction, Essay, One-Act Play, Katha, Sanaysay, Dulang May Isang Yugto
- Karangalang Banggit – 4 (Fiction, Essay, dalawang Katha)
Graduate School
- Unang Gantimpala – 2 (Katha, Sanaysay)
- Ikalawang Gantimpala – 1 (Essay
- Ikatlong Gantimpala 2 (Poetry, Tula)
- Karangalang Banggit – 4 (Fiction, dalawang Poetry, Tula)
College of Science
- Unang Gantimpala – 1 (Tula)
Conservatory of Music
- Karangalang Banggit – 1 (Tula)
Layunin ng patimpalak na palakasin ang pagpapahalaga sa panitikan at linawin ang papel ng mga mag-aaral bilang mga tinig ng malikhaing pag-iisip sa gitna ng patuloy na pagbabago ng anyo at porma ng sining. May ulat nina Ma. Irish F. Fery, Charlize Ann D. Lavastida, Lilah Mikaela S. Paredes, Nyl R. Dadiz, Sydney Venice V. Berba at Inah Denise A. Manansala







