Saturday, November 8, 2025
Ruben Jeffrey A. Asuncion

Ruben Jeffrey A. Asuncion

Mga tula ng bagong henerasyon

BAGO ba ang tinig ng iyong tula, batang makata? Hamon para sa mga makata ngayon ang paglahad ng kanilang mga pananaw sa masining at makabagong...

Pagbabadya

Hinahaplos ng hangin ang balat kong namamawis, buong araw naliligalig sa mundong maalinsangan. Kay lamig ng paghimod. Samantala, humahagod  sa gunita ang tanawin ng marahang paggapang sa panganorin ng bunton-buntong kulay-abong babala sa paparating na unos. Kailangan ko nang magkapote. Montage Vol. 11...

History of the Rectorship

THE SELECTION of a new rector has always been one of the most awaited events throughout the University’s history. However, beyond the pomp and gaiety of welcoming UST’s chief executive is a long and carefully organized process of nominating candidates, which has evolved along with the University’s 397 years of existence.

The process depends on the institutions that were added or removed during the course of history.

According to Fr. Fidel Villarroel, O.P. the University archivist, the process of selecting a new rector during the early years of the University occurred during the elective chapters meetings composed by the different superiors of the Dominican houses in the Philippines. These meetings are convened every two years. On the other hand, provincial chapters are convened every four years in order to discuss internal matters among the Dominicans including the selection of the members of the elective chapters.

Tagapagtanggol ng kalusugan at bayan

MADALAS isipin ng karamihan na limitado sa isang larangan lamang ang pagkakamit ng tagumpay. Subalit ipinakita ni Basilio Valdes, Tomasinong doktor at heneral, na maaaring mahigitan pa ito sa pamamagitan ng dedikasyon at husay sa pagganap sa mga tungkulin.

Nakilala si Valdes sa kasaysayan bilang isa sa opisyal na humawak ng mga matataas na posisyon sa pamahalaang Komonwelt. Itinalaga siya ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang chief of staff ng Philippine Army at ng Philippine Constabulary (kasalukuyang Philippine National Police) noong 1939. Naglingkod naman siya bilang kalihim ng Department of National Defense mula 1941 hanggang 1945, sa ilalim ng government-in-exile ni Quezon sa Estados Unidos. Sa ilalim ng kanyang pangangasiwa sa departamento isinagawa ang mga paghahanda ng hukbo ng Pilipinas sa noo’y napipintong digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at ng bansang Hapon.