Ophelia Alcantara-DimalantaBILANG pagkilala sa mga natatanging ambag sa panitikan ng tinaguriang “Ina ng mga Tomasinong Manunulat,” ipinangalan kay Ophelia Alcantara Dimalanta ang gantimpalang Poet of the Year sa ika-26 Gawad Ustetika, ang taunang parangal pampanitikan ng Unibersidad, na ginanap noong ika-27 ng Nobyembre sa Plaza Mayor.

Saksi ang malalapit na kaibigan sa pagtanggap ng anak ni Dimalanta na si Al, propesor sa Faculty of Arts and Letters, sa commemorative front page ng Varsitarian, kung saan nakaguhit ang mukha ng kaniyang yumaong ina.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni nakababatang Dimalanta na ang pinakamagandang pagkilalang maibibigay ng mga nagmamahal sa kaniyang ina ay ang muling pagkabuhay ng UST Center for Creative Writing.

“If you really love my mother and if you love UST, then let’s all work to bring back the Creative Writing Center,” aniya.

Sa taong ito ay walang nagwagi ng prestihiyosong Rector’s Literary Award, ang prestihiyosong gantimpala na ibinibigay sa akdang sumasalamin sa adhikaing Katoliko. Personal na pinipili ng Rektor ang tatanggap nito mula sa mga nagwagi ng unang gantimpala sa iba’t ibang kategorya.

Samantala, nanguna sa kategoryang dula ang mga mag-aaral mula sa Faculty of Arts and Letters. Nagkamit ng unang gantimpala ang “Eulogy” ni Keavy Eunice Vicente, na nasa ikaapat na taon sa kursong Journalism, “Doppleganger” ni Marianne Freya Nono, na nasa ikaapat na taon sa kursong Literature, para sa pangalawang gantimpala, at “AJ” ni Paula Marie Navarra, na nasa ikatlong taon sa kursong Journalism, sa pangatlong gantimpala.

Wala namang nagwagi sa kategoryang One-Act Play maliban sa karangalang banggit na si Paula Marie Navarra para sa kaniyang “Doll Sale”.

READ
Every fresh grad's job hunt cheat sheet

Para sa kategoryang Fiction, idineklarang Fictionist of the Year si Edmark Tan, na nasa ikatlong taon sa kursong Literature, para sa kaniyang akda na pinamagatang “Rejection”, samantalang nagkamit naman ng pangalawang gantimpala ang “Aureliano” ni Mark Ryan Reyes, na nasa unang taon sa kursong Communication Arts, at “Junkers” ni Miguel Luis Galang, na nasa ikalawang taon sa kursong Psychology, para sa pangatlong puwesto.

Itinanghal namang Kuwentista ng Taon si Samantha Melyssa Perez ng AMV College of Accountancy para sa kaniyang “Nagkwento ang mga Alaala ni Ces”, samantalang nakamit naman ni April Anne Dizon, na nasa ikatlong taon sa kursong Political Science, ang ikalawang gantimpala para sa “Ilaw ng Tahanan”, “Salvage” ni Jeffrey Udarbe, na nasa unang taon sa kursong Journalism, sa pangatlong puwesto.Nagwagi rin bilang karangalang banggit ang “Jubiconomics” ni Lisse Anne Bertumen, na nasa ikatllong taon sa kursong Financial Management.

Bagaman walang nagkamit ng Ophelia Alcantara Dimalanta Award for Poetry, pinagkalooban ng karangalang banggit sina Paul Lucas Gerard Bruselas, na nasa ikaapat na taon sa kursong Literature, para sa “Overcast”, “Soul Tinted” ni Carmela Marie Sagritalo, na nasa ikaapat na taon din ng kursong Literature, at “Body Shots and Other Poems” ni Paul Castillo, na nag-aaral ng kaniyang Masters sa Creative Writing.

Idineklarang Makata ng Taon si Kristinne Nigel Santos, na nasa ikaapat na taon sa kursong Literature, para sa “Huling Araw”, habang nagkamit naman ng pangalawang gantimpala si James Luigi Tana, na nasa ikaapat na taon sa kursong Journalism, para sa “Epigrape”, at pangatlong gantimpala naman kay Alyssa Romielle Manalo, na nasa ikalawang taon sa kursong Communication Arts, para sa “Naulanang Kuwento”.

READ
Filipino PTs can't take US board exam

Sa kategoryang Essay, nanguna ang “Stitches” ni Reinan Gonzales, na nasa ikaapat na taon sa kursong Literature, habang pumapangalawa naman ang “The Moth” ni Zendy Victoria Sue Valencia, na nasa ikatlong taon sa kursong Literature, at “Little Miss Sunshine” ni Marianne Freya Nono, na nasa ikaapat na taon sa kursong Literature, sa pangatlong gantimpala. Nagkamit naman ng karangalang banggit ang “10 Easy Steps to Improve Our Police Force” ni Reinier Dave Zapanta, na kumukuha ng kursong Psychology.

Walang nagwagi sa kategoryang Sanaysay, maliban sa karangalang banggit na sina Lisse Anne Bertumen, na nasa ikatlong taon sa kursong Financial Management, para sa “OPM: Other People’s Music”, “Recess” ni Tito Quiling Jr., na nasa ikaapat na taon sa kursong Literature, at “All of the Above” ni Paul Castillo, na kumukuha ng kaniyang M.A. sa Creative Writing.

Ang mga hurado para sa taong ito ay sina Vim Nadera, Teo Antonio, at Rebecca Añonuevo para sa Tula; Cirilo Bautista, Jose Neil Garcia, at Lourd De Veyra para sa Poetry; Abdon Balde Jr., Eros Atalia, at Efren Abueg para sa Katha; Francezca Kwe, Charlson Ong, at Gemino Abad para sa Fiction; Michael Coroza, Gary Devilles, at Oscar Campomanes para sa Sanaysay; Jose Wendell Capili, Florentino Hornedo, at Ralph Galan para sa Essay; Jose Victor Torres, Dennis Marasigan, at Rody Vera para sa Once Act Play at Dula.

Parangal Hagbong

 Daisy Hontiveros-AvellanaSamantala, ang taunang parangal para sa mga natatanging mga Tomasino na may naging ambag sa sining at panitik ay iginawad sa tinaguriang “Unang Ginang ng Dulaang Pilipino” na si Daisy Hontiveros Avellana.

READ
Elections automated University-wide

Nakilala si Daisy sa iba’t ibang papel na kaniyang ginampanan, ilan sa mga ito ay ang Candida sa isinadulang Portrait of the Artist as a Filipino ni Nick Joaquin noong 1955, ang itinuturing na pinakamatagumpay na produksyon ng Barangay Theatre Guild; Joan of Arc noong 1954; Lady Macbeth sa MacBeth in Black noong 1960’s; Reyna Arminda sa moro-morong Prinsipe Baldovino, na idinirehe ni Rolando Tinio; at Lupeng sa Tatarin ni Nick Joaquin noong 1978.

Ilan sa mga parangal sa dula na natanggap ni Daisy ay ang Outstanding Work in Drama noong 1976, Certificate of Distinction for Drama mula sa UN Association of the Philippines noong 1978, Gintong Ina Award for the Performing Arts noong 1988, at CCP Gawad Para sa Sining noong 1990.

Hinirang si Avellana na Pambansang Alagad para sa Teatro noong 1999.

Mula sa UST, nakamit niya rin ang Permanent Roll of Honor for Outstanding Work in the Arts noong 1982. Bukod dito ay hinirang siya bilang First Diamond Awardee noong 1988 at Doctor of Humanities, Honoris Causa noong 1999.

Ang kaniyang kuwentong pinamagatang Mission Accomplished ay napabilang sa 20 Best Short Stories of 1945.

Isinilang sa Capiz noong 1917, nagtapos si Avellana sa University of the Philippines ng kursong Bachelor of Philosophy. Taong 1938 nang maging ganap na Tomasino si Avellana dahil sa pagkakatanggap ng Master of Arts sa UST.

Ang asawa nito na si Lamberto Avellana ay isa ring Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula. Biniyayaan sila ng apat na anak—sina Ma. Josefina, Jose Mari, Ma. Rita, at Lamberto Jr. Patricia Isabela B. Evangelista at Danalyn T. Lubang

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.