The UST History Society, in partnership with the National Historical Commission of the Philippines, launches the exhibit, "Pag-asa sa Gitna ng Kalayaan,” which features photos taken by UST alumnus and former varsitarian chief lensman Paul Quiambao at the UST Main Building lobby on Tuesday, Jan. 14. The exhibit is open until Friday, Feb. 7. (Photo by Mikyla Rosette C. Bernabe/ The Varsitarian)

SA GITNA ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea, kinilala ng Tomasinong potograpo na si Paul Quiambao ang diwa ng kalayaan ng mga Filipino sa isang eksibit.

Sa eksibit na may temang, “Pag-asa sa Gitna ng Kalayaan,” tampok ang mga retratong kuha ni Quiambao mula sa pang-araw-araw na buhay ng mga residente ng Pag-asa, isang maliit na isla sa gitna ng kapuluan ng Kalayaan.

“Mayroong hundreds of families living in Pag-asa and it’s really to give a human perspective of the West Philippines. Kasi lagi natin naririnig ‘yong mga water cannon… lagi tayo naha-harass by the [Chinese] military. But the Filipino people and our fellow countrymen are also on the front lines of this complex geopolitical issue,” saad ni Quiambao sa Varsitarian.

Pinaniniwalaan ni Quiambao, architecture alumnus at dating potograpo sa Varsitarian, na mananatiling buhay ang diwa ng kalayaan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng sining ng potograpiya. 

“‘Yong mga pictures, I hope that it would serve as an eye-opener sa mga normal na tao, tayo. Kasi hindi naman tayo military but we have a role to play in protecting our sovereignty, in protecting the West Philippine Sea,” aniya.

Sumentro sa kaniyang mga itinanghal na larawan ang makataong perspektibo na aniya’y pagpapahiwatig kung gaano katibay ang mga loob ng residente sa  ng Pag-asa.

Their opinion matters, their perspective matters, each Filipino in the island of Pag-asa matters. So, gano’n ka importante ‘yong community doon na ito ‘yong hina-highlight natin ngayon,” saad ni Quiambao.

Binigyang-diin din ni Quiambao ang kahalagahan ng visual storytelling at pagsasagawa ng mga dokumentaryo upang makuha ang atensyon ng mga tao, lalo na sa henerasyong sanay sa digital

“I believe that photography has the power to inspire, to move and to act … na mag-voice out ng sentiments natin para sa kapwa nating mga Filipino na nakatira doon sa West Philippine Sea,” aniya.

Unang dinala ang “Pag-asa sa Gitna ng Kalayaan” eksibit sa Adamson University noong Hulyo, 2024, ayon kay Eloisa de Castro, commissioner ng National Historical Commission of the Philippines.

“Kinakailangang lumahok [ang mga Tomasino] bilang mamamayan na kagaya ng Filipinas na maraming ingat-yamang dagat, teritoryo, dangal at kasaysayan. Hindi maaaring nasa isang tabi lamang sila at walang gagawin. Dapat patunayan natin na ang mga Tomasino ay engaged,” wika ni De Castro.

Binuksan ang eksibit nitong ika-14 ng Enero at magtatagal hanggang ika-7 ng Pebrero, 2025 sa UST Main Building Lobby. 

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.