MULING KINILALA ng Varsitarian ang mga mahuhusay na Tomasinong manunulat sa ika-40 Gawad Ustetika, ang pinakamabahang taunang patimpalak pampanitikan sa bansa.
Pinarangalan noong Sabado, Marso 29, sa Gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P. ang mga nagwagi sa mga kategoryang Tula, Poetry, Katha, Fiction, Sanaysay, Essay, at Dulang May Isang Yugto, One-Act Play.
Bitbit ang temang “Pag-alabin ang Hiraya at Likha ng Panitikang Tomasino,” umabot sa 222 na kalahok ang nagpasa ng mga akda na tumatalakay sa iba’t ibang kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga Tomasino.
Narito ang listahan ng mga nagwagi sa iba’t ibang kategorya:
Poetry
Unang Gantimpala: “Babylan” ni Elijah Aaron Molina (Ika-apat na taon, B.A. Creative Writing)
Ikalawang Gantimpala: “Where is home?” ni Charlize Ann D. Lavastida (Unang taon, B.A. Communication)
Ikatlong Gantimpala: “Whale Fall” ni Jericho Christian B. Lopez (Graduate School, M.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Kitch Sitch” ni Ma. Doreen Evita L. Garcia (Ikalawang taon, M.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Ruins and Revelations” ni Paulo Lorenzo L. Garcia (Graduate School, M.A. Creative Writing)
Fiction
Unang Gantimpala: “Garnish” ni Sean Paolo M. Carlos (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Pangalawang Gantimpala: “Polluted” ni Irene Louise Lascoña Rustia (Ikatlong taon, B.A. Literature)
Ikatlong Gantimpala: “Gamugamo” ni Andrea Margaret C. Guevarra (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Pork Molo” ni Hannah Santiago Garcia (Ika-apat na taon, B.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “War of Words” ni Paulo Lorenzo L. Garcia (Graduate School, M.A. Creative Writing)
Essay
Unang Gantimpala: ”The Bastard Pope’” ni Lharz Gilbert E. Dapla (Ikalawang taon, B.A. Philosophy)
Pangalawang Gantimpala: “Spit” ni Paulo Lorenzo L. Garcia (Graduate School, M.A. Creative Writing)
Ikatlong Gantimpala: “Oh Favored Son, Oh Sacrificial Lamb” ni Ma. Doreen Evita L. Garcia (Ikalawang taon, M.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Mother in White” ni Janaya Caira C. Obuyes (Ikatlong taon, B.A. Literature)
One-Act Play
Unang Gantimpala: “Gin BEAR-ly Hits” ni Irene Louise Lascoña Rustia (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Ikatlong Gantimpala: “Choke” ni Angela Maria Tabios (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Tula
Unang Gantimpala: “Laro” ni Faye Julianne Q. Rafael (Ikatlong taon, B.S. Chemistry)
Ikalawang Gantimpala: “Barker at iba pang tula” ni Wycliff Steven Sapine Concepcion (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Ikatlong Gantimpala: “Sa Talyer” ni Emil Buidon Belbis (Graduate School, M.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Isang Araw, Sa Bangko” ni John Roniel Canimo (Ikalawang taon, M.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Magtanim ay Isang Biro” ni Juan Pablo Karlo Marko Kristiyano N. Cortes (Ikalawang taon, M.A. Music)
Katha
Unang Gantimpala: “Benny, krusiberbalista” ni Noji Bajet (Ikatlong taon, M.A. Communication)
Ikalawang Gantimpala: “Ang Ingay” ni Brandon Lance L. Capiña (Ikatlong taon, B.A. creative Writing)
Ikatlong Gantimpala: “Field trip” ni Wycliff Steven Sapine Concepcion (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Bangkay sa Cubao” ni Joseph Earl Jordan Quintana (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Honorable Mention: “Manukan Sa Kabilang Pinto ni Old MacDonald” ni J-Rhic N. Tanghal (Unang taon, B.A. Communication)
Sanaysay
Unang Gantimpala: “Pag-aabang sa Tubig Kasama si John Denver” ni Noji Bajet (Ikatlong taon, M.A. Communication)
Ikalawang Gantimpala: “Manginginom Confessions” ni Sophia Nicole T. Mendoza (Ika-apat na taon, B.A. Creative Writing)
Ikatlong Gantimpala: “Ang Propeta at ang Sumpa” ni Aedan Jefferson Doroin Tropa (Ika-apat na taon, B.A. Creative Writing)
Dulang May Isang Yugto
Unang Gantimpala: “Bangka” ni Wycliff Steven Sapine Concepcion (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Ikalawang Gantimpala: “Doppio” ni Michelle C. Andres (Ikatlong taon, B.A. Creative Writing)
Ikatlong Gantimpala: “Hongkong, here I come!” ni Anjellyca S. Villamayor (Ika-apat na taon, B.A. Creative Writing)
Tumanggap ng premyong P15,000 ang mga nagkamit ng unang gantimpala, P10,000 naman sa ikalawang gantimpala, at P5,000 sa ikatlong gantimpala.
Ipinagkaloob ngayong taon ang Rector’s Literary Award (RLA) kay Faye Julianne Rafael, na tumanggap ng unang gantimpala sa kategoryang Tula para sa kanyang akda na “Laro.” Ito ay tumatalakay sa pagbabago ng henerasyon na inihalintulad sa mga larong pambata.
Ang RLA ay iginagawad ng Varsitarian sa napiling akda ng Rektor ng UST sa mga nanalo ng unang gantimpala sa Gawad Ustetika.
Dalawampu’t isang manunulat, akademiko at kritiko ang bumuo sa mga lupon ng inampalan na namili ng mga nagwaging likha sa pitong kategorya.
Kinilatis nina Jose Wendell Capili, associate dean para sa public affairs ng Kolehiyo ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Pilipinas (UP); Nerisa Guevara, resident fellow ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS); at Ramil Digal Gulle, dalawang beses na nagwagi ng Palanca ang mga kalahok sa kategoryang Poetry.
Ang mga naghusga naman sa kategoryang Tula ay sina Romulo Baquiran Jr., guro ng malikhaing pagsulat sa UP; Jerry Gracio, nagwagi ng Gantimpalang Palanca, dalawang National Book awards, at ang UP Centennial Prize for Literature; at Vim Nadera, ang nagtatag ng Gawad Ustetika noong 1985.
Sina Prop. Augusto Aguila co-director ng CCWLS; Sarge Lacuesta, pangulo ng Philippine Centre of PEN (Poets, Essayists, Novelists) International; at Charlson Ong, miyembro ng board ng Philippine PEN, ang nagsilbing mga hurado para sa kategoryang Fiction.
Sinuri nina Eros Atalia, kawaksing propesor at lecturer sa Pamantasan ng De La Salle; Prop. Joselito delos Reyes, tagapangulo ng programang Malikhaing Pagsulat sa Fakultad ng Sining at Panitik; at Chuckberry Pascual, resident fellow ng CCWLS, ang mga isinumite sa kategoryang Katha.
Sina Oscar Campomanes, nagtuturo sa Programa ng Literatura at Kultural na Pag-aaral sa Ateneo de Manila University; Nestor Cuartero, kolumnista ng Manila Bulletin; at John Jack Wigley, dating tagapangulo ng Departamento ng Literatura sa UST, ang bumuo sa lupon ng inampalan para sa kategoryang Essay.
Pinili naman nina Paul Castillo, nagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa UST; Gary Devilles, kawaksing propesor ng Sensory Studies, Urban Studies at Film and Media Studies sa Ateneo; at Rosa May Bayuga, isang freelance writer at mananaliksik, ang mga nagwagi sa kategoryang Sanaysay.
Sinuri nina Ralph Galan, katuwang na direktor ng CCWLS; Glenn Sevilla Mas, coordinator sa Theatre Arts Program ng Ateneo; at Jose Victor Torres, historyador at kawaksing propesor sa Departamento ng Kasaysayan ng La Salle, ang mga kalahok sa kategoryang Dulang may Isang Yugto o One-Act Play.