GINAWARAN ng Rector’s Literary Award, ang pinakamataas na parangal sa ika-40 Gawad Ustetika, si Faye Julianne Rafael, mag-aaral ng kimika sa ikatlong taon, noong Sabado, ika-29 ng Marso.

Nakamit ni Rafael ang unang gantimpala sa kategoryang Tula sa kaniyang akdang “Laro,” na tumatalakay sa pagbabago ng henerasyon halintulad sa mga larong pambata.

“I wrote ‘Laro’ because I aim for the readers not only to feel nostalgic, but to realize that the childhood we got to experience are the memories we may hold on to during the tough times,” aniya.

(Sinulat ko ang ‘Laro’ hindi lang para iparamdam ang nostalgia kundi para maunawaan natin na ang mga naranasan natin mula pagkabata ay mga alaala na maaari nating panghawakan sa panahon ng pagsubok.)

Bagamat mula sa Kolehiyo ng Agham, hindi naging hadlang ito para kay Rafael na makibahagi sa pag-usbong ng panitikan. 

“Despite being a non-writing major, I perceive poetry as a way to realize my emotions. Poetry is my sanctuary, a safe place wherein I can be my most fragile, most truthful, and most imaginative without the need to hold back,” wika ni Rafael.

(Sa kabila ng aking kursong hindi kaugnay ng pagsusulat, ang [tula] ang naging paraan para makilala ang aking mga emosyon. Ang [tula] ang aking naging santuwaryo kung saan maaari akong maging mahina, totoo, at mapanlikha nang walang pagpipigil.)

Naging inspirasyon ni Rafael sa kaniyang akda ang vlog ng mga kalahok sa “Pinoy Big Brother Season 8”  na sina Yamyam Gucong and Fumiya Sankai. Ipinakita nila sa vlog ang mga tradisyonal na larong Filipino.

“I enjoyed watching [the vlog], and you can clearly see how the housemates are having fun. It makes me ponder when the adults start to realize that it is now time to say goodbye to these traditional Filipino games,” aniya.

(Naaliw akong panoorin [ang vlog], at kitang-kita kung gaano kasaya ang mga housemates. Napaisip ako kung kailan naipagtatanto na panahon na upang magpaalam sa mga tradisyonal na larong Filipino.)

Naging inspirasyon din ni Rafael ang kaniyang pagkabata. 

‘Laro’ becomes special because it is simple yet warm and will leave you wondering whether today’s children are still experiencing the same warmth of playing as before. It does not only take us back to the childhood we had but the memories we created alongside it,” wika niya.

 (Espesyal ang ‘Laro’ dahil ito ay simple at maalab, at mapapaisip ka kung ang mga bata ngayon ay nakararanas pa rin ng parehong sigla ng paglalaro kagaya ng dati. Hindi lang tayo dinadala sa nakaraan, ibinabalik rin sa atin ang mga alala nito.)

“The younger readers who may not be able to experience it may become curious and engage in it with their peers, bringing back the kids’ laughter in the neighborhood that we rarely hear today,” dagdag niya.

(Ang mga kabataang mambabasa na hindi nakaranas nito ay maaaring maging interesado at makipaglaro sa kanilang mga kaibigan, na maaaring magbalik sa katuwaan ng mga kabataan na madalang nang marinig ngayon.)

Isa si Rafael sa walong Tomasinong manunulat na nagwagi sa ika-40 Gawad Ustetika, ang pinakamahabang taunang patimpalak pampanitikan sa bansa na inorganisa ng Varsitarian.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.