HABANG binabagtas ni Francisco Duque III ang kursong Medisina sa Unibersidad, wala sa kanyang isipan na isang araw maninilbihan siya sa pamahalaan bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).
Ngunit higit sa karangalan na nakamit, hindi pa rin nalilimutan ni Duque ang adhikain ng isang Tomasino.
“I would probably consider the value of having a strong religious conviction as my most important lesson from the UST,” ani Duque. “It was in those halls of the academe that my spiritual formation grew and my faith nurtured.”
Nais ng kanyang mga kasamahan sa larangan ng medisina, na malutas ni Duque ang mga suliranin tulad ng aborsyon at paggamit ng kontrasepyon laban sa pagkalat ng sakit na HIV at AIDS.
Ani Dr. Rolando Lopez, dekano ng Faculty of Medicine and Surgery, “Alam naming bilang isang doktor, may pagpapahalaga siya (Duque) sa buhay at ‘yan ang kanyang pagiibayuhin.”
“Matagal na rin mula nang nagkaroon ng kalihim na galing UST,” sabi ni Dr. Benigno Santi II, kaklase ni Duque sa UST. “Alam kong magagampanan niya ang tungkulin bilang kalihim pangkalusugan gaya na lamang ng pagsasaayos sa isyu ng abortion at birth control sa bansa.”
Ayon kay Duque, ikokonsulta muna niya ang iba’t ibang sektor sa lipunan upang magkaroon ng “concensus.”
“As far as population management is concerned, I will have to consult various sectors, various organizations and come up with a stand that will be acceptable to most of us,” ani Duque. “(I will) try to synthesize their (views) to come up with a good mix of their recommendations and then we’ll go on a consensus basis.”
Sabi ni Duque na nais din niyang maibalanse ang presyo ng gamot, maitaas ng suweldo ng mga manggagamot at magkaroon ng karagdagang kalidad ang serbisyong pangkalusugan.
“Susubukan naming mabisita ang iba’t-ibang ospital ng gobyerno upang makita ang mga serbisyong kailangang paunlarin at bigyang pansin,” ani Duque.
Ayon kay Duque, makatutulong ang karanasan niya bilang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation, isang government owned and controlled company, upang matugunan ang sapat pangangailangan ng mamamayan lalung-lalo na ang mahihirap.
Ngunit ayon sa mga kritiko ni Duque, isang “political pay-off” lamang ng presidente ang paghirang kay Duque bilang punong manggagamot.
“My performance in PhilHealth will speak for itself,” ani Duque. “I come to serve with conviction and I have a solid track record that I am ready to give to everyone to scrutinize.”
Ani Lopez, “highly qualified” naman si Duque.
“The man should be judged on his qualifications and his merits. Whether he got the position because it’s a political payback perhaps is not as important as whether he is qualified to hold the job.”
Samantala, inihayag ng dating kalihim Manuel Dayrit ang kanyang pagalis sa puwesto noong Mayo 10 upang maging kinatawan ng bansa sa World Health Organization, na tumatalakay ng isyung panlipunan sa aspetong pangkalusugan, at magbigay-daan kay Duque.
Sisimulan ni Duque ang kanyang tungkulin bilang bagong kalihim kapalit ni Dayrit sa Mayo 31.
Nagtapos si Duque ng Medisina sa UST noong 1982. Nagsilbing sekretarya rin ng DOH ang kanyang ama sa administrasyon ng dating pangulong Diosdado Macapagal noong dekada ‘60. M. E. V. Gonda at Reagan D. Tan