MULI na namang namayagpag ang mga Tomasino sa Physical Therapy at Occupational Therapy Licensure Exams, na ginanap nitong buwan. Pinangunahan ng mga Tomasino ang mga naturang board exams.

Samantala, pumangalawa ang isang Tomasino sa Medical board exams. Dalawa pang Tomasino ang pumuwesto ng ikalima at ikawalo sa naturang pagsusulit.

Nanguna sa P.T. Board si Allan Roque Fruelda, na nagtapos na magna cum laude, sa markang 85.70 porsiyento. Nasa ikatlong puwesto naman si Ma. Farrah Araceli Benales sa markang 84.65 porsiyento, samantalang nakuha naman ni Joel Almario Reyes (84.10 porsiyento) ang ika-apat na puwesto. Sina Joseph Chua Morales (83.50 porsiyento) at Jon Avery Go (83.15 porsiyento) naman ang nasa ika-pito at ika-sampung puwesto.

Ayon kay Fruelda, hindi niya inaasahang makukuha niya ang unang pwesto.

“Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-panilwala na nag-number one ako. I did not expect it kasi nahirapan ako. Pero naniniwala ako na ang magandang pundasyon ng aming kolehiyo ang maygawa nito,” sabi ni Fruelda.

Nangunguna rin sa pangkalahatang ranggo ang Unibersidad sa P.T. board exams sa katergorya ng mga paaralang may 10 o higit pang estudyanteng kumuha ng eksamin. Pumasa ang lahat ng 22 Tomasinong kumuha ng board exams para sa 100 porsiyentong antas ng pagpasa.

Samantala nakuha naman ng mga mag-aaral ng Occupational Theraphy ang limang puwesto sa Top 10 ng Liscensure Exams para sa Occupational Theraphy.

Nakuha ni Yuronica Chua, na nagtapos na cum laude, ang unang puwesto sa O.T. board exams sa markang 82.80 porsiyento. Nasa ikalawa at ikatlong puwesto naman sina Bernice Kaye Co (82.20 porsiyento) at si Francis Ryan Cuyugan (82 porsiyento).

READ
New departments created

Sina Marco Angelo Trinidad at Joy Abigail Guzman naman ang nakakuha ng ika-anim at ika-pitong pwesto sa markang 81 porsiyento at 80 porsiyento.

Medisina

Samantala, matapos ang tatlong sunud-sunod na taon na pangunguna ng mga Tomasino sa Physician Licensure Exams, ikalawang puwesto ang pinakamataas na nakamit ng mga Tomasino sa naturang board exam noong Agosto 17 at 18.

Nakuha ni Maria Sherry Ann Rosalind Caimol, na nagtapos na magna cum laude, ang ikalawang puwesto sa markang 85.83 porsiyento. Nasa ika-lima at ika-walong puwesto sina Norman Novis (85.25 porsiyento) at Renee Vina Sicam (85 porsiyento).

Noong nakaraang taon, pinangunahan ni Thadeo Catacutan sa markang 87.92 porsiyento ang naturang board exam.

Ngunit kahit na hindi nakuha ng isang Tomasino ang unang puwesto, sinabi ni Dr. Jose Blas, kalihim ng Faculty of Medicine and Surgery, na kuntento naman ang Pakultad dahil ang antas ng pagpasa ang mas importante.

“Hindi ka naman maaring number one all the time,” sabi ni Blas.

Ang pambansang antas ng pagpasa ay 66.72 porsiyento (1556 mula sa 2332 na nag-eksamen ang pumasa). Nooong nakaraang taon, 64.30 porsiyento ang pambansang antas ng pagpasa.

Bumaba

Subalit, bumaba rin ang antas ng pagpasa ng Unibersidad sa licensure exams. Ayon kay Blas, 92 porsiyento lamang ang antas ng pagpasa ng UST kumpara sa 94 porsiyento noong nakaraang taon.

“Mas maganda ang performance natin last year. Pero, (sinabi) sa akin ng mga (dati naming) estudyante na talagang mahirap ‘yung exams. Iyong mga clinical subjects, specialized na specialized,” paliwanag ni Blas.

Idinagdag ni Blas na baka baguhin ng Pakultad ang sistema ng kanilang pagbabalik-aral na mga klase upang maging mas handa ang kanilang mga estudyante.

READ
Varsitarian now on 'film'

“Syempre, tinitingnan naming kung ano ‘yung mga usual na questions na lumalabas. This year, (naiba talaga ang exams dahil) ang mga clinical subjects (naging) specialized. So, siguro next year we will try to pattern the review sessions sa ganoong style, so the students will be prepared,” sabi ni Blas. Jennifer B. Fortuno

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.