SINIMULAN sa Tuguegarao, Cagayan ang paglunsad ng proyektong “Simbahayan 400: Tomasino Para sa Simbahan, Tahanan, at Bayan” kung saan magtatayo ng 400 proyektong pang-komunidad ang Unibersidad para sa pagdiriwang ng ika-400 taon nito.

Ang nasabing proyekto ay “centerpiece” ng pagdiriwang ng isang taon na unang inilungsad sa Tuguegarao

Pinangunahan ito ng parada kasunod ng misa sa launching ng Simbahayan at dinaluhan ito ng ilang opisyal ng Unibersidad at ang obispo ng Tuguegarao na si Fr. Ricardo Baccay.

Ayon kay Marielyn Quintana, executive director ng Simbahayan, makatutulong ang paglulunsad sa Tuguegarao upang mapalawak ang proyektong pang-komunidad sa Hilagang Luzon.

“Naisip din kasi namin na mas maraming makikinabang kung community project ‘yung gagawin ng UST kaysa sa mag-develop ng 400 villages,” ani Quintana.

Sinabi ng Rektor Rolando De la Rosa noong nakaraang taon sa kanyang “Rector’s Report” na magtatayo ang UST ng “400 villages” bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 na anibersaryo ng UST. Subalit ngayon ay nabago ang plano para masama sa proyekto ang mga komunidad ang Visayas at Mindanao.

Ani Quintana, pamumunuan ng Unibersidad ang implementasyon ng proyekto at ang mga dekano naman na kasapi sa Simbahayan ang gagawa ng programa. Ang pondo ay manggagaling sa mga alumni na gustong tumulong.

Ilan sa mga opisyal na dumalo sa pagpapasinaya ng programa sa Cagayan ay sina Bise-Rektor P. Pablo Tiong, O.P., P. Gerard Timoner, O.P. dekano ng UST Central Seminary, Pilar Romero ng Office for Administration, Richard Pazcoguin, assistant director ng Center for Campus Ministry, Clotilde Arcangel, dekana ng College of Education, Michael Malicsi, director ng Alumni Relations, ang project manager ng Facilities Management Office na si Peter Lim, at ilang estudyanteng Tomasino. Dumalo rin ang obispo ng Cagayan na si Ricardo Baccay. Darenn G. Rodriguez

READ
Francisco Doplon's logo rhythm

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.