IPINATUPAD na rin ang styro-free campaign sa St. Raymund’s Building bilang pagsunod sa malawakang kampanya na mabawasan ang paggamit nito sa Unibersidad.

Nagsanib-puwersa ang mga student council ng Faculty of Arts and Letters at College of Commerce and Business Administration upang isulong ang pagbabawas ng mga styrofoam-based na produkto sa gusali.

“Makatutulong [ang kampanya] sa pangkabuuang pagpapaganda ng ating Unibersidad dahil ang pagbabago ay hindi maaaring pang-maramihan kaagad,” ani Rhodel Sazon, vice president for external affairs ng Artlets Student Council. “Sinisimulan natin ito mula sa isang maliit na yunit hanggang sa ang buong populasyon na ng [mga] Tomasino ang nakikipagtulungan sa atin.”

Ayon naman kay Katherine Suñga, assistant secretary ng Commerce Student Council, makatutulong ang proyekto na masolusyunan ang pagbaha sa loob at paligid ng Unibersidad na dulot ng mga basurang nakabara sa mga daluyan ng tubig.

Nauna nang ipatupad ng Commerce ang kampanya sa kanilang proyektong “Be with USTyro-Free” noong Hulyo 22, na sinundan naman ng Artlets noong Agosto 8.

Sinimulan ng Office for Community Development ang kampanya noong 2009 at una itong ipinatupad sa Tan-Yan Kee Student Center. Ayon sa isang pag-aaral na kanilang isinagawa, tinatayang umaabot sa 20 garbage bags ng styrofoam ang nalilikom bawat araw sa mga gusali ng Unibersidad.

Ang College of Nursing, AMV-College of Accountancy, Albertus Magnus Building, Faculty of Engineering, at ilang mga opisina sa Main Building nagpapatupad na ng Styro-free campaign.

READ
QS: UST out of world's top schools

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.