SA LOOB ng kaniya-kaniyang tahanan ipinagdiwang ng 12,676 freshmen ang pagiging ganap na Tomasino sa pamamagitan ng isang virtual mass na pinangunahan ng Rektor na si Fr. Richard Ang, O.P. nitong Lunes.

Sa kaniyang homiliya, sinabi ni Ang na nagbigay ng paraan ang online classes upang mas makapagsarili ang mga estudyante.

While learners struggle with online learning, the good thing that has come out of it is that it has encouraged more independent learning which allows students to be more creative or resourceful,” wika ni Ang.

Hinimok rin nya ang mga bagong Tomasino na huwag sumuko sa pagkamit ng kani-kanilang pangarap sa pamamagitan ng pagsipi sa kanta ni Taylor Swift na “Only The Young.”

Taylor Swift [..] released a song this year called ‘Only The Young.’ It goes like this: ‘Don’t say you’re too tired to fight / it’s just a matter of time / Up there’s the finish line / So run, and run, and run,’” ani Ang.

“You know the time is truly of essence and that the finish line is just within your reach so freshman, run, walk, go and try to achieve your dreams,” dagdag pa niya.

Sa isang recorded na mensahe, inanyayahan naman ng secretary general ng Unibersidad na si Fr. Jesus Miranda, O.P. ang mga bagong Tomasino na dalhin ang core values ng UST sa kanilang pamumuhay.

With Christ at the center of your formation as a Thomasian, you are soon expected to demonstrate the Thomasian graduates attributes that speak of the seal of Thomasian education,” wika ni Miranda.

“This week has been specially prepared to celebrate your presence as it signals the beginning of your holistic academic journey,” dagdag pa niya.

Magkakaroon ng virtual tour ang Unibersidad gamit ang online game na Minecraft na inihanda ng mga Tomasino, sa darating na Biyernes, ika-28 ng Agosto.

Kauna-unahang pagkakataon ito na walang naganap na Welcome Walk, isang tradisyong nagsimula noong 2002. Ito ay dahil sa limitasyon na dulot ng pandemya.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.