Friday, May 17, 2024

Tag: Vol. LXXVIII

Cubs, kulang sa bangis

TAGLAY ang matinding determinasyon at tiwala sa isa’t-isa, buo ang pag-asa ni coach Allan Ascue na kakayanin ng UST Tiger Cubs na umangat mula sa ikalimang puwesto tangan ang 2-4 win-loss kartada sa UAAP Juniors Basketball tournament.

Bagaman natalo ng Ateneo de Manila University Blue Eaglets, 85-95, noong Agosto 5 sa Ninoy Aquino Stadium, nagpamalas ng tatag ng loob ang Tiger Cubs sa huling tatlong minuto ng ikaapat na yugto para pababain ang 24-puntos na pagkakahuli nito gamit ang isang 17-6 atake.

Golden Booters, dehado sa Ang Liga

TILA walang tiyak na magandang kapalaran ang UST Golden Booters sa pagpapatuloy ng ika-apat na edisyon ng Ang Liga Football Cup.

Isang araw matapos iukit ng Golden Booters ang kanilang ikalawang panalo sa torneo laban sa koponang Mendiola, muling naudlot ang kanilang pag-angat sa team standings makaraang padapain ng UAAP Season 68 champion Ateneo de Manila University (Ateneo) Blue Guards, 3-1, noong Hulyo 29 sa UST Football Field.

UST Judokas tangka muli ang titulo sa UAAP

BAGAMAN maraming bagito at ilang datihang manlalarong UST Judokas ang hindi makakalahok ngayong taon, kumbinsido si head coach Jojo Arce na hindi ito magiging hadlang upang maiuwi nilang muli ang titulo ng UAAP Judo Tournament sa Setyembre 13-14.

Sa isang panayam ng Varsitarian, sinabi ni Arce na hindi matatawaran ang kakayahan ng mga bagito.

“Maraming baguhan sa koponan ngayong taon, pero patuloy pa silang gagaling hanggang sa dumating ang UAAP,” ani Arce.

Bagitong Shuttlecockers, nagkamit ng medalya sa JVC

UMANI ng isang silver at dalawang bronze ang mga bagitong UST Tiger Shuttlecockers sa nakaraang 2006 JVC Badminton Open (elite division) noong Hulyo 8 sa Glorietta Activity Center sa Makati.

Nakuha nina Tigers Kevin Dalisay at Emmanuel Garcia ang silver medal sa men’s doubles division matapos matalo laban kina Antonio Gati at Jobet Co ng Ateneo de Manila University, 15-21, 17-21.

“Malakas talaga ang Ateneo dahil nag-ensayo pa sila sa Korea,” sabi ni Garcia sa Varsitarian. “Gayunpaman, masaya pa rin kami dahil nakakuha kami ng medalya.”

UST Paddlers, wagi sa Andro Cup

AYAW magpaawat ng UST Tiger Paddlers sa paghakot ng mga parangal sa off-season pagkatapos nilang maging kampeon sa 1st Andro Cup National Table Tennis Championship noong Hulyo 30 na ginanap sa Sioland Badminton Court sa Candelaria, Quezon.

Naghari ang UST-B na isa sa tatlong koponang inilahok ng Tiger Paddlers nang talunin nina Tiger Paddlers head coach Henberd Ortalla at Juniors coach Celjun Ortalla ang Lopwes Table Tennis Association (LOPTTA), 3-2, para sa titulo. Itinanghal namang second runner-up ang Filipino Chinese Table Tennis Club of North District (FCTTCND).

UST Mountaineers, kampeon sa Sierra Karera

UMARANGKADA ang UST Mountaineering Club (USTMC) nang mapanalunan ng dalawang grupo nito ang kampeonato at first runner-up sa paligsahang Sierra Karera (elite category) noong Hulyo 15 sa Maria Canili, Aurora Province.

Tinapos ng Conquer-USTMC Nomads, na binubuo nina Libert Lomuntad, Elaine Lerios, at Gerric Lomuntad, ang karera sa loob ng 10 oras at 55 minuto. Samantala natapos naman ng USTMC-Herbert Bautista ang karera sa loob ng 11 oras. Pumangatlo ang professional athletes ng Sierra-Pilipinas na natapos sa loob ng 12 oras.

Lady Jins, namayagpag sa Nat’l Championship

MULING sumampa ang UST Lady Jins sa lona ng tagumpay matapos trangkuhan ang una at ikalawang puwesto sa advanced category ng seniors’ division ng ika-29 Petron National Taekwondo Championship noong Agosto 5-6 sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagsalpukan sa finals ang dalawa sa tatlong koponang ng four-time UAAP taekwondo champions kung saan nalampasan ng Black Team ang matinding hamon ng Gold Team, 3-2 upang tanghaling kampeon sa torneo.

Tigresses, rumatsada

UNTI-UNTING bumangon ang UST Tigresses mula sa pagkakapako sa ilalim ng team standings sa nakaraang tatlong taon matapos makuha ang ikaapat na puwesto sa pagtatapos ng unang round ng UAAP Women’s Basketball Season 69.

“Masaya talaga ako at dahan-dahang nakakabawi ang UST mula sa hindi magandang Season 68,” ani Tigress head coach na si Elizabeth Tan sa Varsitarian.

Tigers, lugmok sa unang round

MATAPOS nilang lapain ang University of the East (UE) Red Warriors at defending champions Far Eastern University (FEU) Tamaraws, umamo ang UST Growling Tigers sa tatlong sunud-sunod nitong kabiguan sa unang round ng UAAP Men’s Basketball tournament.

Pinuno ng Buildings and Grounds, pumanaw

IPAGDIRIWANG sana ni Bro. Rodolfo Atienza, O.P., superintendente ng Buildings and Grounds Office (B&G), ang kanyang ika-61 taong kaarawan noong Hulyo 30, ngunit 12 araw bago sumapit ito, binawian na siya ng buhay.

Ayon sa kanyang kapatid na si Tet Lopez, dali-daling isinugod si Atienza sa UST Hospital matapos siyang atakihin sa puso at mabulunan habang kumakain sa kanilang bahay.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe