Sunday, July 21, 2024

Tag: No. 1

Imahen ng Santo Niño de Cebu, bumisita sa Maynila

MULING pinaalalahanan ang mga laiko na kanilang responsibilidad ang alagaan ang kalikasan bilang bahagi ng kanilang misyon at pananampalataya.

Itinampok sa pagbisita ng imahen ng Santo Niño de Cebu sa Kalakhang Maynila ang prusisyon sa Ilog Pasig noong ika-16 ng Agosto. Tugon ito ng mga paring Agustino sa Laudato Si’, ang ikalawang ensiklika ng Santo Papa Francisco na inilathala noong Hunyo 18.

Ayon kay P. Harold Rentoria, O.S.A., direktor ng ika-450 na anibersaryo ng “Kaplag” o ang pagkakatagpo ng imahen ng Santo Niño sa Sugbu, idinaan ang prusisyon sa Ilog Pasig upang ipakita sa mga tao ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.

Komposisyon ng Filipinong Dominiko, ‘jubilee hymn’ ng Order of Preachers

ITINALAGANG opisyal na awit para sa pagdiriwang ng ika-800 taon ng pagkakatatag ng Order of Preachers ang komposisyon ng isang Filipinong Dominiko.

Ayon kay P. Guiseppe Arsciwals, O.P., kompositor ng Dominican Jubilee Hymn at rektor ng Dambana ng Santo Domingo sa lungsod Quezon, layunin ng awit na “Laudare, Benedicere, Praedicare” na ipaalala ang ganda ng Dominikong pamumuhay at hikayatin ang mga laiko na makisali sa pagdiriwang.

Sa isang taong, gugunitain ng mga Dominiko ang lumipas na walong siglo simula noong aprubahan ng Santo Papa Honorio III ang orden taong 1216.

Ani P. Arsciwals, bawat saknong ng kanta ay naglalarawan sa misyong isinasabuhay ng mga Dominiko—pag-aalay sa Diyos at pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

Dalawang Tomasino bida sa opera ni Rossini

TAMPOK ang tinig ng mga Tomasinong sina Noel Azcona at Ronaldo Abarquez sa konsiyertong La Cenerentola, isang rendisyon ng klasikong opera na pagsasadula ng kuewentong Cinderella, ng Italyanong si Gioachino Rossini sa Meralco Theater noong ika-15 Agosto.

Ang baritonong si Azcona ay gumanap bilang si Don Magnifico, ang pangunahing kontra-bidang amain ni Cenerentola, habang ang robalo (bass) namang si Abarquez ang gumanap sa papel ni Propesor Alidoro.

May kaunting pagkakaiba sa orihinal na istorya ng Cinderella ang bersyon ni Rossini: nagpanggap bilang kawal ang prinsipeng si Ramiro, at ang pagbibigay ng pulseras ni Cenerentola kay Ramiro imbis na pagkaiwan ng glass slipper. Pinalitan naman ni Propesor Alidoro ang papel ng fairy godmother.

Melvin Culaba, binuhay sa obra ang mga isyung panlipunan

MGA NAPAPANAHONG usapin sa lipunan ang itinampok ng Tomasinong pintor na si Melvin Culaba sa kaniyang eksibisyong pinamagatang Marker na itinanghal mula Hulyo hanggang Agosto sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP.

Sa pamamagitan ng kaniyang mga obra na gumagamit ng istilong social realism, umaasa si Culaba na magsilbi itong paalala sa publiko na alagaan ang mga historical sites ng bansa.

“Ito ay pagpapahalaga o paggalang sa kasaysayan o historical sites na pinapabulok at nasisira,” ani Culaba sa isang mensahena ipinadala sa Varsitarian.

Tunog at himig inilarawan ng sining biswal

Kung nakikita ng mga mata ang musika, ano nga ba ang magiging hitsura nito?

Dalawang Tomasino ang kasama sa In Transit, isang natatanging art eksibit na naglalayong mabigyan ng tulay ang dalawang magkaibang uri ng sining: musika at visual arts.

Pawang mga produkto ng College of Fine Arts and Design sa kursong Advertising Arts, kasama sina Ronald Caringal at Geloy Concepcion sa mga 19 na mga likhang-sining upang isalarawan o bigyang kokreto ang mga piyesang gawa ng mga 19 na musikero.

Gamit ang musika ng bentilador at mga padyak ng sapatos na ginawa ng kaniyang katambal na kompositor, nabuo ni Caringal ang likhang pinamagatang “Linear Movement” na binubuo ng dalawang piyesa: isang oil-on-canvas at isang LED sign.

Katatasan sa pagtuturo ng wikang Filipino, binigyang-diin sa pambansang kongreso

HINAMON ng mga dalubhasa sa wikang Filipino ang mga guro na lalong pag-ibayuhin ang kanilang pagtuturo ng wikang pambansa at wikang katutubo.

“Hindi tayo makakaasa na maging mahusay na mahusay ang mga mag-aaral kung hindi mahusay na mahusay ang modelo (mga guro) nito,” ani Ruth Mabanglo, dating propesor sa Unibersidad ng Hawaii, sa unang araw ng Pambansang Kongreso sa Pagpaplanong Wika na idinaos sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan noong ika-5 ng Agosto.

Ayon kay Mabanglo, kailangang suriin ang kakayahan ng mga guro na nagtuturo ng wikang Filipino gayundin ang mga materyales na kanilang ginagamit na nakalulumpo sa kakayahan nilang magturo at manaliksik.

Diwa ng Kabataan

NOON pa man, kayunin na ng Unibersidad ang palawakin at paunlarin ang kaalaman at wastong paggamit ng wikang pambansa kung kaya't isang kapisanan ang itinatag ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Edukasyon noong Agosto 1947.

“Diwa ng Kabataan” ang naging tawag sa naturang samahan sapagkat pangunahing adhikain nito ang buksan ang kamalayan ng mga Tomasino sa kagandahan at kahalagahan ng Wikang Filipino.

Mag-aaral ng Law, Journalism, patnugot ng ‘V’ sa ika-87 nitong taon

PANGUNGUNAHAN ng isang Civil Law freshman at dalawang Journalism seniors ang Varsitarian, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng UST, sa ika-87 na taon nito.

Itinalagang punog patnugot si Lord Bien Lelay, dating patnugot ng Balita, habang ang dating katuwang na patnugot ng Balita na si Arianne Merez ang bagong katuwang na patnugot. Kasama nila sa Editorial Board si Angeli Mae Cantillana, dating manunulat ng Pintig, bilang tagapamahalang patnugot.

CSC sets deadline for Students’ Code

THE STUDENTS’ Code is on its way to enactment, with only minor revisions left after a 10-year delay, and could land on the Rector’s desk as early as August this academic year.

Central Student Council (CSC) President Ina Vergara said the Office for Student Affairs (OSA) has approved the charter. The charter is ready for submission to the Office of the Vice Rector for Academic Affairs (OVRAA) and UST Faculty Union (USTFU) following several meetings with OSA, which yielded only slight changes in the code’s terminologies.

“Actually, medyo kinakabahan kami pero sa bilis, the way OSA handles it, okay na [ito] this year. From the past years, ‘dun maraming problems. Ngayon, rewording na lang,” Vergara said in an interview.

Thomasians ace Nursing, Pharma boards

UST dominated the recent licensure examinations for Nursing, Pharmacy and Architecture, with several Thomasians landing in the top 10.

UST was named second top-performing school in the May Nursing board exams after posting a 99.55 percent passing rate, results from the Professional Regulation Commission (PRC) showed. A total of 446 Thomasians passed out of 448 examinees, higher than last year's 99.04 percent or 411 passers out of 415 examinees.

Topnotcher Ma. Margaret Sanchez bested 11,225 newly registered nurses with a score of 86 percent.

Twenty-two other Thomasians made it to the top 10, including Ariel Bitong Jr. (85.4 percent) at second place and Dominique Rosali Cesa (85.2) at third place.

LATEST