Taliwas sa unang impresyon na maaring mahinuha sa pamagat ng Yamashita, The Tiger’s Treasure, hindi lamang ito tungkol sa walang katapusang pagahahanap ng napabalitang kayamanan baskus mas malalim pa.

Mas nakatuon ito sa kung paano binalikan ng isang biktima ng panahon ng Hapon ang kanyang nakaraan at kung paano niya hinaharap ang kasalukuyan.

Sa direksiyon ni Chito Roño at panulat ni Roy Iglesias, itinatampok sa pelikula si Armando Goyena bilang Carmelo Rasales, ang nag-iisang susi sa pagbawi ng nakatagong yaman. Samantala, ginampanan naman ni Carlo Muñoz ang papel ng batang Carmelo.

Noong malapit nang matalo ang mga Hapon, isa si Naguchi (Vic Diaz) sa mga lalaking dinampot ng mga Hapones upang ibaon ang kinamkam na yaman ng mga Hapon. Kasama niya ang kanyang nakababatang kapatid na ginampanan naman ni Janus del Prado. Pinalad na makaligtas si Goyena nang iwanan siya ng mga Hapon sa pag-aakalang patay na siya, samantalang kasamang nabaon ng kayamanan ang kanyang kapatid.

Tinakasan niya ang mapait na karanasan sa pamamagitan ng pangingibang-bansa. Ngunit dumating ang panahon na kailangan na niyang gamitin ang nalalaman tungkol sa kayamanan upang tulungan ang anak na nangangailangan ng malaking halagang pambayad-utang.

Gumugol ng P80 milyon ang prodyuser ng pelikula sa pagtatangkang isabuhay ang panahon ng digmaan sa tradisyon ng Pearl Harbor.

Ginampanan naman ni Vic Diaz ang papel ng isang sundalong Hapon at ni Tetsuya Matsui naman ang batang sundalo.

Sina Danilo Barrios naman, apo ni Goyena, kasama sina Camille Prats, Bearwin Meilly, Mico Palanca, at Ethan Javier, kasama ang pinagkatiwalaang si Albert Martinez, ang kumilos upang iligtas ang matandang Goyena nang dukutin siya ng grupo ni Naguchi upang ituro ang kinaroroonan ng kayamanan.

READ
Isang oasis sa UST Main Bldg.

Pinilit mang kalimutan ni Goyena ang karanasan, isang talaarawang naglalaman ng mga pangyayaring hindi niya nais maalala ang nagbabalik ng kanyang nakaraan. Puno ng pagbabalik-tanaw, epektibo at malinaw ang malabong nakaraan sa husay ng desenyo ng produksiyon at kuha ng mga eksena. Nakatutuwa rin ang pagsakay sa konspetong people power upang pigilan ang mga sasakyan na naglalalaman ng mga kayamang ginto na nais sanang ipuslit.

Maayos na naisabuhay ng mga eksena ang panahon ng digmaan samantalang pinatingkad naman ito ng tamang pagkakataoon kung kailan ipinakita ang ankaraan sa pamamagitan pagbabalik-tanaw.

Akma ang karamihan ng mga tagpuan sa panahon at sitwasyon ng pelikula gaya ng gulod ng bundok kung saan matatagpuan ang kuweba na pinagtaguan ng kayaman.

Sa makatotohanang pagganap ni Goyena at Vic Diaz, naisabuhay ng pelikula ang mapait na nakaraan sa isang madamdamin subalit nakaganyak na larawan ng buhay.

Dahilsa kabuuan at sangkap ng pelikula, hindi nakapagtatakang nakamit ng pelikula ang pinakamataas na parangal, ang Best Picture Award, noong nakaraang Metro Manila Film Festival. Edumar D.V. Madlangbayan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.