KABILANG ang maikling pelikula na “Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert” sa mga lalahok sa ika-16 na Cinemalaya.
Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Janina Gacosta, na nagtapos ng kursong communication arts noong 2014, at ni Cheska Marfori, na nagtapos ng kaparehong kurso noong 2013.
“Ang Gasgas na Plaka ni Lolo Bert” ay tungkol sa isang matandang lalaki na umiikot lamang ang buhay sa loob ng bahay, at isang byudo na may-ari ng tindahan ng mga vinyl.
“It’s also a story of love and second chances,” wika ng mga director sa isang panayam sa Varsitarian noong 2019. “We hope to create a story that sparks a message of hope to every person stigmatized with the condition,”
Nakamit ni Gacosta at Marfori ang parangal na Best Director sa CinesPectra noong 2019.