Sa pagdiriwang ng mahigit tatlong dekada ng Panitikang Tomasino, ang ika-30 Gawad Ustetika ay nagsisimula nang tumanggap ng mga lahok na akda.

Ang mga kategoryang kabilang ay Poetry/Tula, Fiction/Katha, Essay/Sanaysay, One Act Play/Dulang May Isang Yugto at Maikling Kuwentong Pambata.

Ang kompetisyon ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas para sa akademikong taong 2014 – 2015.

Ibigay lamang ang mga sumusunod at ilakip sa isang brown envelope: apat na kopya ng inyong akda kabilang ang isang orihinal na kopya (typewritten, MS Word, Times New Roman font, size 12, double-spaced), kopya ng akda na nakalagay sa isang CD, application form na maaaring kunin sa tanggapan ng Varsitarian, kopya ng recent registration form ng may-akda (UST Form 1) at certification of originality na nakalakip sa application form na may pirma ng dalawang propesor ng Ingles o Filipino.

Maaaring sumali sa mahigit isang kategorya ngunit isang lahok na akda lamang ang pwedeng ipasa sa bawat kategorya. Ilagay sa magkakahiwalay na envelope ang bawat akda.

Maaaring ipasa ang mga lahok na akda hanggang sa ika-10 ng Enero 2015.

Para sa ibang detalye, tawagan si Elyssa Lopez (0906.236.1705), Gillan Ropero (0917.855.7177) o ang tanggapan ng Varsitarian sa 406-1611 loc. 8235.

READ
Thomasian fashion statements

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.