Tomasino Siya

KILALA ang Jollibee Foods Corporation bilang pinakamalaking fast food chain sa bansa. Malaki ang naging kontribusyon nito sa pag-angat ng food industry ng Pilipinas. Alam ba ninyong Tomasino ang may-ari ng kumpanyang ito?

Nagtapos si Tony Tan Caktiong sa Faculty of Engineering noong 1975 ng B.S. Chemical Engineering. Ayon sa Thomasian Engineer, opisyal na pahayagan ng pakultad, hindi gaanong aktibo si Caktiong sa kanyang pag-aaral at pagsali sa mga organisasyon.

Bagama’t hindi siya kabilang sa Dean’s list, naging matagumpay bilang food magnate. Ginamit niya ang kaalaman mula sa Unibersidad, lalo na ang chemical food technology upang makapagtayo ng sariling negosyo.

Noong 1975, sinimulan niyang itatag ang isang ice cream parlor na lumaon ay tinawag na Jollibee Yumburgers. Noong 1978, dinagdagan pa ng mga pagkaing mabibili dito at tinawag itong Jollibee Foods Corporation, isang fast food chain na nag-aalok ng mga pagkaing banyaga sa panlasang Pilipino tulad ng spaghetti at french fries.

Noong 2000, pinarangalan siya bilang Hall of Famer ng UST Faculty of Engineering. Sa ngayon, patuloy na lumalawak ang kumpanya. Bilang patunay, mahigit na sa 800 ang mga sangay nito na nagkalat sa buong Pilipinas, maliban pa sa ibang bansa.

At sa pagsisikap ni Caktiong, tatlong kompanya pa ang naging ka-pamilya ng Jollibee—ang Chowking, Greenwich, at Deli France.

Tomasalitaan:

moroso (pang-uri)- dilingkuwente; hindi nagbabayad ng utang o buwis

Kumakalat sa kabayanan ang morosong gawain ni Ric kaya’t hinahanap siya ng mga awtoridad.

Sanggunian:

Thomasian Engineer Journal, Tomo 41 Blg. 2 P.56

www.jollibee.com.ph/corporate/phenomenon.htm

READ
Ang daigdig ng tula ni Alejandro G. Abadilla

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.