MAHIRAP simulan ang pagwawakas. Hindi madaling humanap ng mga salita upang magpaalam. Ito ang aking napatunayan sa ilang ulit kong pagtitig sa isang papel na nananatili pa ring malinis pagkatapos ng ilang oras na pagmumuni. Nakalulungkot isiping marahil ito na nga ang katapusan ng isa sa pinakamakukulay kong paglalakbay.
***
Tatlong taon din ang iginugol ko sa Varsitarian. Bilang isang pahayagan, dito ko nakuha ang pagkakataong ibahagi ang mga nilalaman ng aking puso’t isipan. At bilang isang organisasyon, ibinigay nito sa akin ang isang puwang na maliit ma’y masasabi kong akin lamang.
Ngunit higit sa pagiging isang pahayagan at organisasyon, itinuring ko nang isang tahanan ang institusyong ito. Kung kaya’t ngayong panahon na ng paglisan, nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa mga taong nagpatingkad ng kulay ng aking buhay.
Para kay Rj, maraming salamat sa pagmamahal at pagtitiwala. Hinding-hindi ko makalilimutan ang bawat “pagniniig” ng ating kaluluwa.
Para kay Hector, salamat sa lahat ng tulong. Sana’y ipagpatuloy mo ang “siklo” ng kahusayang sinimulan ng ating mga ninuno sa Filipino.
Para kina Michael, Jhervy, at Jerry, babaunin ko ang sandaling pagkakataon na nakasama ko kayo. Maraming salamat!
Para kina Lyn, Marisse, at Paul, kayo ang mga alaalang patuloy kong babalik-balikan. Alam kong hindi rito magwawakas ang ating samahan. Magkikita pa tayong muli!
Para kina Louie, Jayme, Lynda, at Reyann, salamat sa ilang alaala ng pagkakaibigan, pagsasama, at pakikipaglaban.
Para kina Girard, Meg, Karen, at Bennett, maraming-maraming salamat sa mahihigpit at maiinit na yakap sa mga panahon ng tag-ulan. Bahagi na kayo ng aking buhay ngayon at magpakailan man.
Para sa mga “amihang” sina Carli, Ipe, Irish, Kris, A, Treb, Feli, at Weng, salamat sa inyong mga pagdalaw, pagsuporta, at di paglimot sa ating pagkakaibigan.
Para kay Sir Mike, ang taos-puso kong pasasalamat sa inyong pagbibigay-inspirasyon sa aking panulat. Pipilitin kong tuparin ang sinasabi ninyong pangako ng aking panitik.
Para kay Sir Lito, maraming salamat sa lahat ng aral na babaunin ko sa ngayo’y mas malawak na mundong aking haharapin.
Para sa iba ko pang kapamilya sa Varsi—kina Dexter, Christian, Ace, Darrell, TL, Geoff, Sheila, Stephan, Kenneth, Ron, Carlo, Lutchie, Myra, Steph, Cai, at iba pa, maraming-maraming salamat sa lahat! Hinding-hindi ko kayo malilimutan.
At para sa mga bagong bahagi ng Varsi, sana’y mahalin n’yo ang institusyong inyong kinabibilangan nang higit pa sa isang simpleng organisasyon at pahayagan lamang.
***
Taos-puso rin ang aking pasasalamat sa mga taong higit na nagpalawak ng mundong aking ginagalawan.
Para sa mga kaklase ko sa 4E3, lalung-lalo na kina Jenny, Charmaine, Cindy, Grace, Lenny, Ugie, Rhea, at Aaron, maraming salamat sa mga alaala. Hangad ko ang tagumpay nating mga bagong ekonomista.
***
Mahirap simulan ang pagwawakas. Ngunit mas mahirap wakasan ang pagtatapos. Hindi humihinto ang pagdaloy ng mga salita ng pamamaalam at pasasalamat. Nakalulungkot isiping marahil dito na nga nagtatapos ang isa sa pinakamakukulay kong paglalakbay. Sa kabila nito, umaasa akong iyon lamang ang magwawakas at hindi ang mga samahang nabuo mula rito.