HINIKAYAT ni dating Senador Richard Gordon ang mga Tomasinong miyembro ng Red Cross na maging “pinakamahusay” na Red Cross youth sa buong mundo.
Naganap noong Hulyo 24 ang kauna-unahang Red Cross Youth Council (RCYC) general assembly ngayong taon na may temang “Thomasian Red Crosser: True, Responsible, and Competent,” sa Medicine Auditorium kung saan nakilahok ang mahigit sa 800 na mag-aaral sa Unibersidad.
Tinalakay ni Gordon, tagapangulo ng Red Cross Philippines, ang kasaysayan ng organisasyon, mga mithiin,at mga tungkulin ng mga kasapi nito.
“When you become a member, you do not just wear that seal, it is a calling that you must be ready to alleviate human suffering at all times, it is a responsibility,” ani Gordon.
Sa kasalukuyan, ang UST Red Cross ay may humigit-kumulang 3,000 na mga miyembro na tinuturing na isa sa pinakamalaking pangkat ng Red Cross youth sa buong Pilipinas. Charmaine M. Parado