HUMATAW ang mga Tomasino sa katatapos lamang na physician at occupational therapist (OT) licensure exams, samantalang pasok din ang iba sa Top 10 sa pagsusulit para sa mga nurse, physical therapist (PT) at nutritionist-dietetician.
Pinangunahan ni Chitra Punjabi ang 1,597 na mga bagong manggagamot matapos siyang magtala ng markang 89.42 porsiyento.
Pasok naman sa Top 10 sina Nikka Doreen Angbue-Te sa ikatlong puwesto (88.33 porsiyento), Michael Conrad Tongol sa ika-anim (87.83 porsiyento), Kristianne Emmanuelle Bagaoisan sa ikasiyam (87.50 porsiyento) at Rozelle Jade Javier sa ikasampu (87.42 porsiyento).
Nagtala muli ng 99 porsiyento na passing rate ang Unibersidad sa physician licensure exams katulad noong nakaraang taon. Pumasa ang 361 sa 365 na Tomasino na kumuha ng pagsusulit, kaya’t kinilala itong top-performing school.
Ang national passing rate ngayong taon ay bumaba sa 69 porsiyento, kumpara sa 71 porsiyento noong 2009.
Samantala, nanguna sa tatlong topnotchers sa OT licensure exam si Kim Gerald Medallon matapos magkamit ng markang 81.60.
Sumadsad naman ang passing rate ng OT ngayong taon sa 49 porsiyento, kumpara sa 70 porsiyento noong nakaraang taon. Sa 35 na kumuha ng pagsusulit, 17 lamang ang pumasa.
“Maraming dahilan kung bakit ganoon ang naging resulta. Ngayong taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa miyembro ng board of examiners. Isa pa, mas kaunti rin ang kumuha ng board exams ngayon,” ani Jocelyn Agcaoili, dekana ng College of Rehabilitation Sciences, sa kanyang liham sa Varsitarian.
Bumaba sa 37 porsiyento ang national passing rate ng OT kumpara sa 55 porsiyento ng nakaraang taon. Pumasa ang 38 sa 103 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa.
Paliwanag ni Agcaoili, ang kahirapan ng OT exams ay maaaring ipalagay base sa resulta nito, kung saan malaki ang pagkalalayo ng pinakamatataas na passing rate sa hanay ng mga paaralan (97 porsiyento sa PT samantalang 74 porsiyento naman sa OT). Bukod pa rito, 88 porsiyento ang pinakamataas na markang nakuha ng topnotcher sa PT boards, samantalang 81 porsiyento lamang ang sa OT.
“From this, it may give the impression that the level of difficulty of the examination, particularly the OT application portion of the exam, would be much higher than the PT examination, assuming that the ability and aptitude of the PT and OT examinees would not be too dissimilar,” ani Agcaoili.
Kaisa-isang namang Tomasino si Louis-Albert Lee na nakapasok sa Top 10 ng PT licensure exam. Nakamit ni Lee ang ikapitong puwesto matapos niyang makuha ang 84.50 porsiyentong marka.
Kinilala bilang kaisa-isang top-performing school ang Unibersidad sa PT board exams matapos magkamit muli ng 97 porsiyentong passing rate.
Tumaas ang national passing rate ngayong taon sa 47 porsiyento mula sa national passing rate na 43 porsiyento noong 2009.
Pinangunahan naman nina Allyce Joana de Leon at Anna Vanessa Gan ang mga Tomasinong topnotchers sa nursing nang makamit nila ang markang 86 porsiyento.
Kasama rin sa top 10 sina Weena Marie Lim sa ikalimang puwesto (85.60 porsiyento), Jan Christian Feliciano sa ikapito (85.20 porsiyento), Kea Capio, Ana Francesca Centeno, Rouella Christina Fajardo, Renan James Lim, Laurence Lester Tan sa ikawalo (85 porsiyento), Elaine Katrina Cala at Julie Ann Clarin sa ikasiyam (84.80 porsiyento), at sina Edwin del Rosario II, Eunice Empeño at Micca Lagleva sa ikasampu (84.60 porsiyento).
Tumaas sa 99.34 porsiyento ang passing rate ng UST kumpara sa nakaraang taon na 99 porsiyento. Bumaba naman sa 40.01 porsiyento ang national passing rate kumpara sa nakaraang taon na 44 porsiyento matapos pumasa ang 37, 679 sa 91, 008 na kumuha ng pagsusulit.
Samantala, nakamit ni Rozel Ann Alcaide ang markang 85.40 sa ikaapat na puwesto sa nutritionist-dietitian licensure exam.
Umangat din ang national passing rate sa 70 porsiyento kumpara sa 67 porsiyento noong nakaraang taon. Charmaine M. Parado
Asan kaya ang ateneo at lasalle dito? siguro kumakain kayo ng alikabok ng espana. Siguro busy kayo masyado sa uaap basketball kaya kayo wala sa top 10. DLSU 20 years ang college of medicine pero wala pa sainyo ang nag top 10 manlang. Talo pa ang DLSU MEDICINE ng FATIMA MEDICAL SCHOOL sa VALENZUELA. Ateneo medicine ? siguro dapat Ateneo herbal medicine school na lang kayo. Miski UP dapa sa mga Tomasinong doctor.
wag masyado mayabang kapatid, kung Tomasino ka man, ‘di asal Tomasino ang nakikita sa mga binitiwan mong salita.
Bakit ano ba asal tomasino sa yo? siguro ikaw ang pinakamagaling at pinakapipitagan na tomasino.galing mo pala.sana lahat ng taga UST kasing galing mo.tomasino ka ba? baka naman taga ateneo ka. kasi napagaling mo kaya isip ko taga ateneo ka. pero mukhang hindi kasi eh _ _ _ _ _ _ ka.
we, thomasians are known for our humility and respect to other people…competence, COMPASSION and commitment are in our THOMASIAN identity. You shouldn’t act that way if you’re a Thomasian.
there are facts in life that you should learn to accept. being poor, being below average, being low in the looks department and being from ust.indeed such a humbling experience. just strive to be a good ust student.
why are you so bitter? were you kicked out of UST before? (i’m just curious) I’m a thomasian but i’m not humiliated by your comments. I felt nothing but pity on you because you cannot appreciate the value of other people and enjoy life as God gave it.
I’m not poor, but I wish I am so that I may learn to appreciate a lot of simple things and be happy by the way it is given to me.
I’m not below average, but I chose UST because it’s a Catholic University, I like the chapel and my physicians work in UST hospital (so accessible). Besides, they produce competent, compassionate, and honest professionals. 😀
If you’re an educated person, you would know how to treat other people right and to give comments with appropriate basis. My friends in Ateneo and UP are not boastful because they know how to behave and speak well.
Perhaps you may try to apply Buddha’s 8 fold path in your daily life: right VIEW, right THOUGHT, right SPEECH, right ACTIONS, right LIVELIHOOD, right MEDITATION, right EFFORT, and right MINDFULNESS.
live right my dear. Bitterness and anger are very unhealthy. CHILL! 😀 God bless you always!
can you even hear yourself? nakakahiya yang ugali mo. and bakit parang ang laki ng galit mo sa UST? siguro na kick-out ka or something. and kung ganyan lang din yung mga sasabihin mo, why are you even here? sinasayang mo lang yung oras mo. gfys
Thomasians excel in what they do but are not boastful or arrogant. With what you say you are both, that’s why I am having doubts if you are one of us. If you have nothing good to say about others then just keep quiet. Let others see the good in you without stepping on others. Kaya ‘di umuunlad bansa natin eh, kasi me mga taong kagaya mo mag-isip.
That is a big mistake sister. Thomasians do not excel in anything. Medicine probably but 100 % of non medicine students of UST are below average and are non in anywhere near students of UP,ATENEO and LASALLE. Trying hard. In the first place i agree that no one from ust should be boastful or arrogant since you have nothing to boast or be arrogant. be like the sons of our driver who are ust ab and eng students are humble and happy go lucky. If you are boastful and arrogant you should aspire of being in an ivy league school.
berdengazul- your driver???? having a sons at ust. so???? parang ang baba ng tingin mo sa mga anak ng driver mo. hahahahah. hope hindi nya ibangga ang lumang kotseng minamaneho niya. who’s arrogant then??? di ba ikaw din??? mwah!
Thank you for admitting that UST excels in medicine.
You should also consider UST’s architecture, and music schools. The college of science is also one of the finest in the country.
I forgive your other statement because I know you are only insecure with UST’s winning TRADITION. haha
Fellow Thomasian huwag maging mayabang, 2007 pa lang itinayo ang Ateneo School of Medicine. Next year pa lalabas ang first batch of graduates nila.
Tama yan. Thomasians are very humble. In the first place wala naman kayo ipagmamalaki kasi you are out of the big league. You and your graduates are average and below average. Losers actually. The kids of our driver studies at the University of Santo Tomas taking up AB Political Science.
and someday berdengazul, your driver’s daughter or son will be better than you because they are raised as one of the finest breed. And you are just someone who is bitter over our success and triumph. isnt it obvious? =)) and if your drivers kids will be one of ust’s most succesful kids then you are below average then . =)
A Thomasian is always humble..
Obviously, the guy isn’t Thomasian. He’s a pretender trying to start dumping trashes here in our backyard.
im an alumni of UST and was a poor kid back then (katulong). but now because of the excellent education i got from UST (B.S. Commerce) and my dream to go abroad, i am now working as manager in a global investment firm with 6 figure salary and a decent lifestyle. I have so much to be grateful of our alma mater, the Royal and Pontifical University of the Philippines. Its one of the schools in the Philippines that has a reputation abroad of education excellence specially when evaluating my degree in the U.S. and Canada.
Im proud of being Tomasian!