Pinangunahan ni Fr. Michell Joe Zerrudo ang tradisyunal na Misa sa Latin. Kuha ni John Paul R. Autor

24 Agosto 2012, 9:45 p.m. – MAKALIPAS ang maraming taon, muling inialay ang tradisyunal na Misa sa Latin o ang ekstra-ordinaryong porma ng Misa sa Unibersidad ngayong gabi na ginanap sa St. Dominic Chapel.

Nagsama-sama ang mga estudyante, propesor, administrador ng UST, at mga lingkod ng Simbahang Katoliko upang makibahagi sa pagsasagawa ng nasabing Misa, na iba sa Novus Ordo o ordinaryong porma ng Misa kung saan pamilyar ang karamihan sa mga Katoliko.

Pinangunahan ni Fr. Michell Joe Zerrudo, chaplain ng Ecclesia Dei Society of Saint Joseph, ang nasabing Misa alinsunod sa motu proprio na Summorum Pontificum, na nagsasaad na maaari nang magdiwang ng tradisyunal na Misa sa wikang Latin nang walang permiso mula sa obispo.

Ayon kay Zerrudo, idineklara ng Santo Papa Benedicto XVI sa Summorum Pontificum na ang tradisyunal na Misa’y kahit kailan ay hindi nawala.

Subalit nagkaroon ng reporma sa Misa noong panahon ni Pablo VI bilang papa. Ang repormang ito ang nakilala ng mga Katoliko sa kasalukuyan bilang ordinaryong uri ng misa, kung saan ay gamit ang sariling wika.


“But let me remind you that this extraordinary form of Mass was not separated from the Roman rite,”
ani Zerrudo, na nagtapos sa Central Seminary.

Idinagdag pa ni Zerrudo na ang
extraordinary form of the Mass ay ang natatanging Misa na alam ng maraming santo.

Ipinadama ni Zerrudo ang kaniyang pagkamangha sa dami ng mga kabataang dumalo sa Misa.

“I can see the desire of young people for novelty … And it’s good that you seek what is authentically sacred,” ani Zerrudo.

“Many young people who attended Latin Mass in other churches actually come back, maybe for the reason that there is something very beautiful [in the Latin Mass] that is beyond what words can explain,” aniya.

Sa kaniyang pananalita ay ginamit niya ang apostol na si Bartolome bilang halimbawa ng tunay na Israelitang lingkod ng Diyos, na walang anumang pagkukunwari. Si Bartolomeo ay simbolo ng kung ano ang dapat na prinsipyo ng mga Katoliko sa pagdalo sa Misa.

“Mass is never a performance because it was never meant to entertain,” ani Zerrudo. “The priest faces the altar, he raises his hand in prayer, and when he raises his hand, he makes his heart vulnerable. Knowingly or unknowingly, I expose my heart to God. I am letting God know me through and through.”

Pinaalalahanan ni Zerrudo ang mga nagsimba na hindi dapat maging “hipokrito” sapagkat hindi ito naaayon sa gusto ng Diyos.

“[We must] show ourselves to Him because Christ is the truth. Simply we come with sincere, humble, and contrite hearts, we come before the Lord,” ani Zerrudo. “Let us love the truth, because to love the truth is to love Christ. Upholding any other thing apart from Christ is to live in lie.”

Isa mga pagkakaiba ng ordinary at
extraordinary forms ay ang wikang ginagamit. Latin ang gamit sa tradisyunal na Misa samantalang bernakular at pamilyar na lenggwahe naman sa ordinaryong Misa.

Sa ordinaryong Misa, ang pari ay nakaharap sa mga tao, habang sa altar naman nakaharap ang pari sa tradisyunal na Misa bilang simbolo ng pangunguna ng pari patungo sa eternal na layunin papuntang langit, at pag-aalay sa Panginoon.

“Walang kwalipikasyon ang Simbahang Katoliko upang ang isang pari ay manguna sa Latin Mass. Kung siya ay paring nangunguna sa ordinaryong Misa, may karapatan din siyang manguna sa Latin Mass,” ani Zerrudo. Gracelyn A. Simon

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.