31 Agosto 2012, 10:36 p.m. – PINANGUNAHAN ng apat na Tomasino ang mga pumasa sa katatapos na physician licensure examination,
habang nanatili naman sa ikalawang puwesto ang Unibersidad sa listahan ng mga paaralang nakakuha ng matataas na marka.

Nagtala ng 98.71 porsiyentong passing rate ang Unibersidad matapos pumasa ang 382 sa 387 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit sa medisina, mas mababa kaysa sa 99.73 porsiyento noong nakaraang taon kung saan 371 sa 372 Tomasino ang pumasa.

Pumangalawa si Alexander Manguba, Jr. (89.08 porsiyento), na sinundan naman ni Nellowe Candelario (89 porsiyento) sa ikatlong puwesto.

Naghati naman sa ika-walong puwesto sina Patricia Amolenda at Mar Angelo Carrasco na parehong nagkamit ng 87.67 porsiyento, kapantay ang isang mag-aaral ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center.

Samantala, hinirang na top-performing school ang University of the Philippines-Manila matapos magtala ng 99.35 porsiyentong passing rate. Ngunit kumpara sa UST, wala pa sa kalahati ang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit mula sa UP-Manila, kung saan 153 sa 154 ang pumasa.

Mas mataas ang national passing rate ngayong taon sa 78.8 porsiyento, kumpara sa 75.32 porsiyento noong nakaraang taon.

Ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), 1,684 ang pumasa sa 2,137 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa. Daphne J. Magturo

1 COMMENT

  1. I find this sentence ‘Ngunit kumpara sa UST, wala pa sa kalahati ang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit mula sa UP-Manila, kung saan 153 sa 154 ang pumasa.’ unnecessary and uncalled for. Why are you singling out UP-Manila, just because it’s number one? An intelligent reader (and writer) will know how to appreciate statistics, that’s why one should look at the percentage, not sheer, raw figures. Do not let the number of exam-takers be an excuse for the over-all percentage of each school. I don’t have any problems with your news org’s bias, but I hope it doesn’t compromise the journalistic quality of your articles.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.