07 Agosto 2013, 11:53 p.m.Kuha ni Jenzine Inah M. AlcantaraSA PAGDIRIWANG ng kapistahan ni Santo Domingo de Guzman, hinikayat ni Rev. Fr. Herminio Dagohoy, O.P., Rektor ng Unibersidad, ang mga Tomasino na tularan ang mga Dominiko sa pagsasabuhay ng tungkuling ipalaganap ang Mabuting Balita.

Sa kanyang homiliya, sinabi ni Dagohoy na ang bawat isa ay dapat na maging katulad ng mga Dominiko na pinagtitibay ang pananampalataya ng kapwa, lalo na ng mga mahihirap.

The purpose of Dominican preaching is to generate others and to call the faith of the poor. At ito ay maaaring gawin ng bawat isa sa atin,” saad ni Dagohoy. “This is the Veritas. The truth of the Dominican preaching.”

Ihinalimbawa rin ni Dagohoy ang mga yapak ni Santo Domingo, na nagtatag ng Order of Preachers, bilang pagpapahiwatig ng banal na pamumuhay.

Preachers in their art and desire to spread the good news, condemn their feet dirtily. Ang mga Dominikano, sa pananampalataya, ang mismong naglilinis ng kanilang mga paa kasabay ng pagpapalaganap ng pagmamahal ng Diyos sa mahihirap,” ani Dagohoy. “Ang paang nagdadala ng mabubuting balita, ng mabubuting bagay ay ang mga paa na hinugasan ng grasya ng Diyos.”

Kilala si Santo Domingo bilang isang mananampalatayang ipinagpalit ang kanyang mga personal na kagamitan upang ilaan sa pagkain ng mga nangangailangan.

Itinaguyod ni Santo Domingo ang orden ng mga Dominiko upang ibahagi ang Salita ng Diyos sa iba’t ibang panig ng Europa, para sa mga uhaw sa pananampalataya at upang punan ang pisikal at espiritwal na kasalatan ng mga nangangailangan.

For the sake of poor people who suffered from a plague, St. Dominic sold his (collection of religious books, inscribed on parchment) and was even willing to sell himself to redeem those tied to slavery,” ani Rolando de la Rosa, O.P., dating rektor ng Unibersidad, sa isang panayam sa the Varsitarian noong nakaraang taon.

Hinirang na santo si Domingo de Guzman ng Santo Papa Gregory IX noong 1234. Angeli Mae S. Cantillana

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.