Kuha ni Basilio H. Sepe

23 Agosto 2014, 10:22 a.m. – NAGSAGAWA ng isang noise barrage sa harapan ng UST ang ilang mag-aaral upang ipabatid ang kanilang pagkondena sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Pinangunahan ng Youth Act Now, mga konseho ng Faculty of Civil Law at Faculty of Arts and Letters, at UST Yellow Jackets ang noise barrage kahapon na pinamagatang, “DAPat Managot, DAPat Mag-ingay,” na naglayong humikayat sa kabataan na makialam sa isyu ng korapsyon sa bansa.

Ayon kay Victor Villanueva, pangulo ng Civil Law Student Council, kailangang manindigan ang kabataan sa mga isyung kinakaharap ng bansa, katulad ng “maanumalyang” DAP na idineklarang partially unconstitutional ng Korte Suprema noong ika-1 ng Hulyo.

“Ito (noise barrage) ay nagpapakita ng nagkakaisang tindig ng kabataan laban sa korapsyon, in particular, sa Disbursement Acceleration Program at sa pork barrel,” aniya.

Nagdaos din ng magkasabay na noise barrage ang San Beda College at Philippine Women’s University sa kani-kanilang campus.

Ang nasabing synchronized noise barrage ay pinangunahan ng National Union of the Students of the Philippines. Dinaluhan din ito ng mga miyembro ng Anakbayan, League of Filipino Students at Student Christian Movement of the Philippines.

Ang nangyaring noise barrage ay isa ring paunang gawain para sa gaganaping “Million People March and Stand Up, Sign Up Against All Forms of Pork” sa Luneta sa darating na National Heroes Day sa Lunes, ika-25 ng Agosto. D. T. Cudal at A. F. Merez

READ
P29B fund for schools, teachers affected by K to 12 proposed

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.