KINUMPIRMA ni UP coach Bo Perasol nitong Biyernes na miyembro na ng Fighting Maroons si CJ Cansino na dating team captain ng UST Growling Tigers.

“CJ will be a great addition to ensuring the sustainability of the program, especially with possibly one player left from last season playing for Season 84,” ani Perasol sa panayam sa Varsitarian.

Inaasahang papalitan ni Cansino ang guard/forward na si Ricci Rivero, na maglalaro sa kaniyang huling taon sa paparating na kampanya.

Kinakailangan muna ni Cansino na matapos ang isang taong “residency” sa kanyang bagong unibersidad bago makapaglaro pa ng dalawang taon.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang UST and thankful ako sa kanila na binigyan nila ako ng opportunity, pero I need to move on. Noong natanggap ko na, na hindi na ako pwede sa UST, marami po akong kinausap and kinonsulta. Ang naging pakiramdam ko po ay mas bagay talaga ako sa UP, mas comfortable ako sa UP,” sabi Cansino kay Perasol.

Nagtapos ang UP Fighting Maroons sa ikatlong pwesto matapoos matalo ng UST sa twice-to-beat semi-finals noong nakaraang taon.

Huwebes lang nang umugong ang balitang iiwan na ni Cansino ang UST sa di pa malinaw na dahilan.

Pero sa isang panayam sa Tiebreaker Times na “tinanggal” sya sa UST.

“Hindi mo naman kasi puwedeng ipagpilitan ‘yong sarili mo sa team na ayaw sa’yo,” aniya.

“Gusto ko magpasalamat sa mga coaches sa dalawang taon na pag tuturo sakin para mas mag improve ako not just a player pero kung pano maging mabuting tao,” wika niya.

Sa ngayon, bakante ang posisyon ng kapitan sa koponan ng Growling Tigers.

Wala pang opisyal na pahayag ang coaching staff ng UST tungkol sa pag-alis ni Cansino. R.B.Fuertes Jr.

LEAVE A REPLY