KINUMPIRMA ni Brent Paraiso na lilisan na siya sa UST at di na maglalaro para sa Growling Tigers.

Career move” umano ang pag-iwan niya sa UST kung saan nagtala siya ng 7.2 ppg, 4.0 rpg at 1.4 apg bilang isa sa mga sharpshooters ng koponan.

I have to think about my career. Pero nagpa-plan pa lang kami kung ano next gagawin ko,” aniya sa isang panayam sa Varsitarian.

Nauna nang lumipat sa UP Fighting Maroons si team captain CJ Cansino na isinawalat ang ginawang training ng Tigers sa Sorsogon sa gitna ng pandemya.

Sina Paraiso at Cansino, gayundin si Ira Bataller, ay parte ng sports management agency na Virtual Playground.

Kasama si Paraiso sa mga unang umuwi mula sa Sorsogon “bubble” tulad nina Cansino at rookie Bismarck Lina.

Isa si Paraiso sa mga bitbit ni coach Aldin Ayo mula De La Salle University papuntang UST noong 2018. Nagsilbi siya ng isang taong residency noong Season 81 at naging starting guard para sa Tigers noong Season 82.

Bilang isang incoming senior, hindi na maaaring lumipat sa isang member school ng UAAP si Paraiso.

LEAVE A REPLY