Abando, Bataller, nilayasan na rin ang UST

0
2685

KUMPIRMADONG iniwan na rin nina Rhenz Abando at Ira Bataller ang UST Growling Tigers sa gitna ng kontrobersya tungkol sa isinagawang training sa Sorsogon na iniimbestigahan ngayon.

Di sinabi ni Abando ang dahilan kung bakit nilayasan na rin nya ang UST. Aniya, inilabas na nya sa kanyang social media accounts ang gusto nyang sabihin.

Pero sa kanyang Instagram account, ito lang ang sinabi nya kalakip ang larawan ng UST Main Building: “Thank you for your unending grace!”

Sa kaniyang unang taon sa UAAP, nagtala si Abando ng 11.71 points at 5.29 rebounds per game. Meron namang 1.88 ppg at 2.88 rpg si Bataller.

Una nang nawala sa koponan sina team captain CJ Cansino at Brent Paraiso. Lumipat si Cansino sa UP Fighting Maroons matapos diumanong patalsikin ni coach Aldin Ayo.

Ayon naman kay Paraiso, nag-alala sya baka masayang ang huling playing year sakaling masuspinde ang UST dahil ginawang training sa Sorsogon “bubble.”

Inaasahang maglabas ng desisiyon ang UAAP sa Martes, Setyembre 1, patungkol sa kinalabasan ng imbestigasyon ng Unibersidad sa naturang isyu. R.B.R. Fuertes Jr.

LEAVE A REPLY