Tigresses, babalik ng China

0
426

SA ISA pang pagkakataon, muling ibabandera ng University of Santo Tomas Growling Tigresses ang pangalan ng Unibersidad at ng bansa sa gaganaping Adidas Asian Streetball Finals 2002 na gagawin sa Shanghai, China mula Agosto 29 hanggang Setyembre 1. Matatandaang sila din ang ipinadala ng bansa noong nakaraang taon.

Nakuha ng Northern Luzon qualifier na UST ang pribilehiyong ito nang kanilang patumbahin ang nagwagi sa NCR division na Polytechnic University of the Philippines, 17-14, sa National Finals ng Adidas Streetball Challenge 2002 sa SM City-Cebu upang makamit ang kampeonato sa panig ng mga babae.

Pinangunahang muli ni Tigress Irene Cahilig ang opensiba ng UST nang pumutok ito para sa siyam na puntos.

Itinanghal na most valuable player ng women’s division si Cahilig dahil sa kaniyang magandang laro na ipinakita niya sa buong torneo.

Binubuo nina Aileen Arcigal, Cahilig, Nerissa Noscal, at Juvy Salazar ang koponan ng UST na tutungo ng China sa katapusan ng buwan kung saan makakaharap nila ang mga kampeon ng iba’t-ibang bansa sa Asya. Kasama din nila ang kanilang coach na si Peque Tan.

LEAVE A REPLY