Goodwill games simula na

0
509

OPISYAL nang binuksan ang Thomasian Goodwill Games noong Agosto 20 na idinaos sa UST Gym.

Ang Thomasian Goodwill Games ay programa ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) upang maipamalas ang diwa ng pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga mag-aaral sa iba’t-ibang kolehiyo sa Unibersidad. Layon din nito na makakilala ng mga bagong manlalaro para sa UST.

“Sa taong ito ang volleyball, basketball at football lamang ang kasali sa torneyo,” ani Roberto Sambuang, athletics moderator ng IPEA.

Ang laban para sa volleyball ay mag sisimula sa Setyembre 6 hanggang 15 at inaasahang magsisimula ang basketball at football sa susunod na semestre.

Ang koponan ng AMV- College of Accountancy at College of Education ang unang mag tutuos para sa Volleyball. Ang laban ay gaganapin sa Seminary Complex. Anne Marie Carmela L. Dayauon

LEAVE A REPLY