Lady Booters, nag-walk out sa Rexona Cup

0
434

NAUWI sa walk out ng UST Lady Booters  ang kanilang laban kontra Far Eastern University Alumni sa ika-41 na minuto ng laro na may iskor na 1-1, sa Ateneo de Manila University High School Field noong Agosto 19.

Nagpasya si coach Bon Estrabon na huwag nang isalang ang Lady Booters sa battle for third place na nakatakdang ganapin noong Agosto 21 nang suntukin sa kaliwang panga ni Rodge Lataf ng FEU si Jane Pacaña ng Lady Booters matapos silang magkagitgitan.

“Hindi na kami sasali sa darating na linggo. Mali na ‘yung mga ginagawa nung mga referee,” ani Estrabon.Nainis sa Estrabon matapos hindi agad patawan ng karampatang card si Lataf dahil sa kaniyang ginawa.

“Simula pa lang nung laro ay talagang mali na ‘yung mga tawag,” ani Estrabon.Nagprotesta si Estrabon matapos mangyari ang panununtok. Ngunit kapwa binigyan ng red cards sina Lataf at ang kaniyang biktimang si Pacaña. 

“Bakit mo naman bibigyan ng red card si Jane? Siya naman yung nasaktan,” wika ni Estrabon. “Masama pa dun, pinapaalis na sa pitch si Jane kahit wala pa siyang nakukuhang red card.”

Sa simula pa lamang ng laro, nahanapan  na ng butas ng FEU ang depensa ng Lady Booters ngunit sawi silang maka-goal dahil na rin sa malamya nilang pag-atake.

Unang naka-goal si Marianne Narcisso ng UST sa ika-22 na minuto matapos ang isang mabilis na atake na gumulat sa depensa ng FEU, 1-0.

Agad itong sinundan ng isa pang pag-atake mula sa UST ngunit madalas nabalam ang kanilang mga pasa dahil na rin sa maputik at matubig na pitch.

Nagawa naman ni Janette Mercado na maitabla ang FEU sa ika-31 minuto ng laro nang maka-tiyempo siya sa maling salba ni Zipporah Luna ng UST.

Tinigil ang laro sa ika-39 na minuto nang makipag-debate si Estrabon sa mga tagahatol at sa komite ng laro matapos ang panununtok kay Pacaña. Rodolfo Serafin Jerome T. Lozada

LEAVE A REPLY