La Salle wagi kontra UST Tigresses

0
300

20 Agosto 2014, 2:30 p.m. – HINDI umubra ang UST Growling Tigresses kontra De La Salle University, 63-69, sa kanilang pagtutuos sa ikalawang round ng UAAP women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Miyerkules.

Umabot sa 16 puntos ang lamang ng Lady Archers sa ikatlong yugto, 24-40. Pumukol si Growling Tigress Candice Magdaluyo ng isang tres upang simulan ang isang 11-0 run at pababain ang kalamangan ng La Salle, 35-40.

Ngunit kinapos ang UST sa mga sumunod na minuto at hindi na nakaabante sa second half.

“A lot of chances ang nabigay sa atin pero hindi tayo naka-convert kanina. Offense was not there, defense was not there. Natulog ‘yung effort natin eh,” ani ng dismayadong Tigresses head coach Chris Cantonjos.

Dagdag ni Cantonjos, malaki rin ang epekto nang pagkawala nina starting point guard Kim Reyes at Bettina Penaflor na pinatawan ng one-game suspension ng UAAP board dahil sa mga technical foul na nakuha nila sa laban kontra National University noong Agosto 16.

“Si Kim Reyes, slasher natin ‘yun so supposed to be meron tayong pumapasok sa loob. Si Penaflor naman malaki ang tulong sa rebounding kasi lumalaban ‘yan. Wala sila pareho kaya medyo hirap din ‘yung team,” aniya. “Malaking impact na nawala sila.”

Sa ikalawang yugto, tangin isang field goal at limang puntos lamang ang naibuslo UST dahil sah matinding depensa ng Lady Archers.

Nagtala ng tig-17 puntos sin Jen Angeles at Lore Rivera para pangunahan ang UST habang nag-ambag naman ng 12 si Magdaluyo mula sa apat na tres.

Tumipa naman ng 15 puntos si Camille Claro para sa defending champion. A. P. Abello

***

BOX SCORE:

 

UST 63 – Angeles 17, Rivera 17, Magdaluyo 12, Cortes 11, Felisarte 5, Gandala 1

DLSU 69 – Claro 15, Santos 13, Piatos 8, Garcia 8, Alyanna 8, Miller 6, Mellendres 5, Concuera 4, Vergara 2.

Quarter scores: 15-13, 20-31, 40-49, 63-69

LEAVE A REPLY