Tunay mawawala ng isang buwan dahil sa injury

0
545

4 Agosto 2015, 01:23 a.m. – KAILANGANG magpakitang-gilas
ni Golden Tigress Chloe Cortez dahil sa pagkawala ni Carmela Tunay sa mga
susunod na laban ng UST sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference.

Magiging parte si Cortez ng starting lineup ng Tigresses
matapos magtamo si Tunay ng nose fracture sa kanilang panalo laban sa
Technological Institute of the Philippines
.

Nakatakdang operahan si Tunay bukas. Dahil dito, higit
kumulang isang buwan siyang hindi makalalaro.
Nagtala siya ng 12.5 points per game.

Ayon kay head coach Emilio Reyes, kayang punan ni Cortez ang
pagkawala ni Tunay na ngayo’y nananatili pa sa UST Hospital.

“Titignan natin kung mas mahaba ang playing time niya
(Cortez) at kung magiging consistent ang laro niya compared sa pagpasok niya
off the bench,” ani Reyes sa Varsitarian.

Nagtala ng 10 puntos si Cortez sa kaniyang huling laro kung
saan apat na sets siyang ipinasok. Nagtala lamang siya ng two points per game sa
kanilang unang tatlong laro.

“Magkaiba kami ng character ni Mela (Tunay) kasi
masayahin ako. ‘Yun siguro ‘yung maiaambag ko sa team ‘tsaka ‘yung pagiging
vocal ko,” batid ni Cortez.

Ito ang unang pagkakataon na mapapabilang si Cortez sa
starting lineup ng Tigresses sa torneyo matapos siyang maging 7th man ng koponan sa mga nakalipas na
mga liga.

Sinabi rin ni Reyes na hindi pa buo ang kanilang desisyon sa
pagkuha ng pupuno sa naiwang puwesto ni Tunay sa 14-man roster rule ng
V-League.

“Kung hindi siya masyadong mababakante ng matagal at
papasok sa duration ng liga, puwede namin siya ibalik. Pero depende sa advice niya
[sa amin],” sambit ni Reyes. Clarence I. Hormachuelos with reports from
the Sports Team

LEAVE A REPLY