Golden Tigresses panalo kontra San Sebastian College

0
418

9 Agosto 2015, 9:51p.m. – UMARANGKADA ang UST Golden
Tigresses sa kanilang ika-apat na sunod na panalo matapos pabagsakin ang San
Sebastian College Lady Stags, 25-22, 25-15, 25-17, sa Shakey’s V-League Season
12 Collegiate Conference sa San Juan Arena, ika-siyam ng Agosto.

Hindi ininda ng UST ang pagkawala ni Carmela Tunay at
napanatili ang kanilang puwesto sa Group B hawak ang 4-1 record para sa
ikalawang puwesto.

Nagtala si Chloe Cortez ng 10 puntos at tatlong blocks sa
kaniyang unang laro bilang starting
player
, samantalang nagbigay sina Pam Lastimosa at EJ Laure ng mga solidong
atake, 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakabanggit.

Tangan ang momentum
ng Golden Tigresses sa pagkapanalo ng unang dalawang set nang mabilis silang
nakabuo ng lamang, 8-3, na kanilang pinalobo matapos magpakawala ng 12-5 run
para sa kanilang unang straight set win.

“Hindi na nila pinapabayaan na matalo sila ngayon,” ani UST
head coach Emilio Reyes sa Varsitarian.
“Hopefully madala natin hanggang next round.”

Agad bumawi ang Golden Tigresses sa 12-18 na pagkakapako sa
unang set sa pamamagitan ng 9-2 run para maangkin ang kalamangan, 21-20.
Dalawang malakas na atake mula kay Lastimosa ang tuluyang nagbigay ng unang set
sa UST, 25-22.

Tatangkaing makalagpas ng Tigresses sa quarterfinals na
gaganapin sa parehong venue sa mga di pa naitatakdang petsa. John
Chester P. Fajardo, at Clarence I. Hormachuelos

LEAVE A REPLY