UST Lady Booters, wagi kontra FEU

0
305

21 Agosto 2015, 4:49 p.m. – PINADAPA ng UST Lady Booters ang defending UAAP
champions Far Eastern University Lady Tamaraws, 1-0, sa kanilang sagupaan sa
Philippine Football Federation Women’s Invitational Cup sa Rizal Memorial Stadium, ika-21 ng Agosto.

Binuslo ni Lady Booter Trixia Grace Jalbuena ang
una’t huling goal ng laban sa ika-52
na marka matapos makuha ang loose ball sa
right wing ng penalty area.

Nalusutan ni Jennizel Cabalan ang depensa ng Lady
Tamaraws subalit nawala ang kaniyang kontrol nang siya ay matisod. Naisalba
naman ni Jalbuena ang possesion para
ibigay ang panalo sa UST.

Nagpamalas ng matinding depensa  ang UST sa ika-62, 82 at 83 minuto sa hanap
ng malalakas na atake ng FEU. Kasama na rito ang freekick ni Lady Tamaraw Charmaine Joy Fagaragan na lumagpas lamang
sa crossbar

“Kailangan namin i-improve ang passing at
hindi magmadali sa bola. Kasi ang nangyayari, walang timing kaya hindi namin nako-control
ang bola,” ani acting head coach Geraldine Cabrera.

Madalas kontrolado ng UST ang ball possession matapos itong magtala ng pitong shot attempts sa ikalawang bahagi ng lato. Kasama rin dito
ang limang corner kicks.

Tabla ang UST at University of the Philippines X para
sa ikalawang puwesto ng Bracket B hawak ang 1-0 na kartada.

Pipiliting masungkit ng Lady Booters ang unang pwesto
laban sa De La Salle University sa Linggo, 10 a.m., sa Rizal Memorial Stadium. John
Chester P. Fajardo

LEAVE A REPLY